• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joshua Garcia gives back to elementary students of Pasay City

EXCLUSIVE: Joshua Garcia gives back to elementary students of Pasay City

Joshua Garcia continues to share his blessings with his charity work.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/30/2015 6:05 PM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia gives back to elementary students of Pasay City


053015-joshua1_main.jpgBago ang pagbubukas ng klase ngayong June ay nagpasaya muna si Joshua Garcia at ang Tropang Joshua ng mga pre-school hanggang grade 3 students ng Gotamco Elementary School sa Pasay City. Namigay ang dating Pinoy Big Brother Teen housemate at actor ng TV series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ng bags at school supplies sa mga batang estudyante.

Pangalawang charity work na ito ni Joshua at ng kanyang mga supporters. Ang Una ay sa Home for the Aged kung saan nagpasaya naman siya ng mga matatandang kulang sa kalinga ng kani-kanilang pamilya.

Masarap lang yung pakiramdam ng ganito,” bulalas agad ni Joshua sa Push.com.ph. “Masarap yung nagbibigay ka at tumutulong, iba yung feeling,” dagdag pa niya.

Si Joshua ang personal na nag-abot ng bags na may lamang school supplies sa mga bata na kitang-kita ang saya habang tinatanggap ang munting regalo ni Joshua. Game ding nagpa-picture at nakipag-selfie si Joshua sa mga bata.

Nang tanungin ng Push kung balak pa ulit mag-aral ni Joshua, ang sabi niya, “Tatapusin ko talaga ang pag-aaral ko. Naghahanap lang ako ng magandang timing po. Sa ngayon kasi, kailangan ko munang mag-ipon at samantalahin yung mga opportunities na dumarating sa akin... May plano po talaga akong mag-aral.”

Patuloy namang gumaganda ang takbo ng career ng binata. Kasama siya sa pelikulang You’re Still The One na pinagbibidahan nina Maja Salvador, Dennis Trillo at Richard Yap. Pumirma na rin siya ng movie contract sa Star Cinema para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Jane Oineza at Manolo Pedrosa na may working title na Bloody Crayons.

Ano ba ang feeling niya na nauna pang magkaroon ng launching movie sina Manolo at Maris Racal na kasabayan niya sa PBB All In?

“Sobrang saya ko po para sa kanilang dalawa. Dapat nga po nando’n ako sa premiere night ng pelikula (Stars Versus Me) nila, pero hindi na ako nakarating dahil may schedule ako that night. Pero I’m very happy po na meron na silang movie,” sey pa ng binata.

Inamin din sa amin ni Joshua na wala muna siyang balak mag-girlfriend. “Hindi po muna. Sana na po siguro. Focus muna tayo dito sa trabaho. Hindi ko po yan iniisip ngayon,” sabi pa niya.

May isang malaki proyektong sanang gagawin si Joshua sa ABS-CBN, pero hindi na ito matutuloy. Ayaw muna niyang ikuwento ang tungkol dito, pero sa amin daw niya unang ibabalita kung ano talaga ang totoong nangyari dito.

053015-joshua5_main.jpg

VIEW MORE PHOTOS HERE