Tirso Cruz III thanks God and family in his battle with cancer

The actor explains why he kept his illness a secret.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/03/2015 11:20 AM
Tirso Cruz III thanks God and family in his battle with cancer
050315-manny_main.jpgUnti unti ng bumabalik sa normal ang buhay ng aktor na si Tirso Cruz III at ng kanyang pamilya. Ito ay matapos niyang malagpasan ang isa sa pinaka malaking pagsubok ng kanyang buhay, ang magkaroon ng stage two lung cancer na nalaman niya noong 2014. 

Ngayon cancer free na si Pip at nag aattend na ng showbiz events gaya ng Golden Screen Awards kung saan natin siya kinamusta. Nai-share pa niya na ready na siyang mag trabaho muli kasama sina Juday at Sir Chief Richard Yap sa isang bagong Kapamilya serye.

"I'm good, I'm good. I'm very good, I am now fully recovered and if everything works well by the first week of May magbabalik trabaho na ako sa isang bagong serye from DreamScape and ABS-CBN. Makaka trabaho ko dito sina Judy Ann Santos and Richard Yap."

Sinadya daw talaga nila na hindi ipaalam ang kanyang karamdaman noon at isina publiko niya lang sa nakaraang birthday party and thanksgiving niya dahil nalagpasan na niya ang isang malaking pagsubok.

"The family is very happy kasi iyung chapter na iyun ng buhay namin is really a trying time.  Sa mga kaibigan hindi naman namin pinaalam sa kanila, pagkatapos ng operation tsaka ko pa lang sinabi. Ngayon everybody is happy, everyone is glad."

Kahit maganda ang relasyon ni Pip sa ating Panginoon, marami pa rin daw siyang natutunan sa bahaging ito ng kanyang buhay.

"I've always been close to the Lord, pero ito iyung ipinakita niya sa akin na magtiwala lang ako sa kanya at hindi niya ako pinabayaan sa lahat lahat."

Mas na a-appreciate na ngayon ni Tirso ang buhay at hindi nakakalimot na magpasalamat sa lahat ng kanyang blessings.

"I'm enjoying my life on a daily basis. Every time I wake up, I thank the Lord."