• Home
  • Fresh Scoops
  • The Youtube star clarifies some issues involving her and Jam Sebastian’s mother.

Mich Liggayu says only time can tell when she will open her heart again

The Youtube star clarifies some issues involving her and Jam Sebastian’s mother.

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

05/03/2015 08:08 AM
Mich Liggayu says only time can tell when she will open her heart again
050215-mich_main.jpgIn her interview with Ricky Lo and Heart Evangelista on Startalk, Mich Liggayu tried to face the issues between her and Jam Sebastian’s mother, Maricar. Mich is one half of the Youtube sensation JaMich and Jam her partner passed away last March due to cancer.

“Gusto ko lang pong i-clarify, gusto ko po ipaalam sa inyong lahat, kaya po ako nagsalita ngayon gusto ko po iklaro lahat ng issue. Hindi ko po intention na sagutin yung interview ni Tita Maricar kasi nirerespeto ko yung nanay ng taong minahal ko po. And yung ganitong issues po sana hindi na pina-public kaya lang yun nga po marami na ang naapektuhan kaya andito na po ako para sumagot,” she said.

The 24-year-old revealed that Maricar’s outburst surprised her and her family as they were still communicating.  

“Kung may tampuhan kami sobrang minimal lang po. And bago po namatay si Jam, okay nga po kami nun, nagdinner pa nga po kami after. Tapos kinabukasan bumabawi po ako ng tulog, nasa bahay po ako ng parents ko, pumunta po siya. Nagulat mommy ko, medyo nagpapanic siya, bakit daw ganun si Tita Maricar biglang nagagalit, na may sinasabi tungkol sa money issues ganyan. Eh hindi pa naman niya kami nakakausap about it. ‘Di ko naman po ipagdadamot yun sa kanya. Alam po ni Jam, na ever since, ‘di po issue sa amin ang pera. Kaya po pag may mga projects kami ni Jam, kapag may financial aspect, si Jam po pinapakausap ko kasi hands off po talaga ako sa pera,” Mich revealed.

The online star even shared that during her early years together with Jam, they fought for their love because she was only a college student and he was unemployed. When Youtube came, Mich shared that their work gave their lives new direction. Their jobs also prompted Jam to ask Mich to live with him.

“Kwento lang po, yung first year namin naging challenge sa amin in Jam kasi nagkakilala po kami college pa ako nun, tapos si Jam wala pa siyang work so yung family ko nahirapan na tanggapin si Jam. Yung first 3 years namin, pinaglaban po namin yung love namin sa family namin, tapos may dumating na blessing sa amin, yung Youtube, nagkaroon po ng direction yung buhay namin. And simula po noon, naglive in na po kami ni Jam. Yun din po gusto ko i-clarify, si Jam po yung nagconvince sa akin na mag live in na kami, kasi yun po work namin halos 24/7 magkasama po kami. Alam po niya yun (na live in kami), may nagsasabi po kasi na inagaw namin yun anak nila, hindi po totoo yun,” Mich further related.

050215-mich_main.jpgOn the issue she has a grudge towards Maricar because the latter supposedly agreed to let Jam’s ex-girlfriend visit at the hospital, Mich has only this to say, “Yung time po kasi nay un, bago mangyari yung araw na yun, kinagabihan, nagtanong sa akin yung mommy niya kung pwede may bumisita. Sa akin, hindi ako sumagot kasi wala naman sa akin yun, buti kung andun ako. Ako walang kaso yun pupuntahan lang naman niya si Jam. Ang nangyari po nagkaroon po ng misunderstanding. Umuwi po kasi ako tapos nagkataon na kung kelan wala ako, tsaka dun nila napapunta (ex ni jam). So di po ako nainform. Medyo sumama lang ang loob sana may respeto man lang na sabihin na pupunta siya ganun. Eto sumama talaga loob ko pero hindi ko po minura si Jam or what. Nagalit lang ako noon. Nagbuhos lang ako ng sama ng loob.”

Mich also wants to make it clear that she was always by Jam’s side the whole time he was hospitalized.

“Gusto ko din po linawin sa mga tao ngayon kasi lumalabas na parang napakawalang kwenta kong girlfriend, eh kami po ni Jam 24/7 po kami magkasama, ang dami ko pong sinacrifice for him, yun family ko na sobra ko pong vinavalue, di ko na nakakasama masyado. May mga works din po ako na natatanggihan kasi pina prioritize ko si Jam nun. Umabot po sa point na pati yung pag poop niya tinutulungan ko, yung mga extremes po nagawa ko na yun for him. Lahat po talaga ng kaya kong ibigay, binigay ko na for Jam.”

As for the financial issues, Mich wasn’t very clear with her answer but she explained that she has already created separate social networking accounts so as not to be accused of being “nanggagamit.”  

“Yun po ngayon nahihirapan din ako financially kasi nawalan din ako ng work. Yun po siguro yung sinasabi niya yung sa Youtube namin, yung Jamich TV. Yung Jamich [Facebook] page po, ‘di ko na po hawak yun, na hack po siya, pero may post pa din po siya, madami kasi akala ako pa din yung nagpopost, na ginagamit ko pa din po yun para ipromote ang sarili ko. Gumawa na po ako ng sarili kong page, wala na po masasabi yung mga tao na ginagamit ko po, may iba na po akong page na ginagamit ‘di na po yung Jamich.”

Mich added that she found it puzzling why everything changed between her and Jam’s family when all the while she expected things to be the same as before. She also insisted that her family is still in communication with Yexel, Jam’s brother and some of their friends.

“Bago po kami maghiwahiwalay nung nilibing po si Jam, naisip ko po na magcocontinue pa din like yung mga pinagdaan po namin before, like aalis pa din kami together, kakain sa labas. Pero after that bigla na lang po nagchange. Di ko alam kung bakit. Di naman po ako nagsasarado ng doors sa kanila. Actually nagrereach out kami sa kanila, tinatry sila i-contact ng parents ko, di po sila sinasagot. Tinatry po tawagan nina Mommy, di po nila macontact. Ang nakakausap na lang po namin si Yexel and iba pong friends, na pwede mag usap kami in person para di na ganito kalaki yung issue.”

As for her being linked to singer Neo Domingo, Mich emphasized that she’s till not teady to fall in love again.

“Wala po. Hindi pa ako ready sa ganyan,” she said. “Wala pong nagpaparamdam, sa ngayon po nagko-concentrate po ako kasama ng family ko. Time lang po siguro kasi ‘di ko alam kung kelan ko makakaya, actually po ngayon may times na naiiyak pa din ako, natutulala na lang bigla kasi nagwowonder ako nasaan na ba si Jam. Lagi lang din akong nagpi-pray talaga. Yun na lang nagki-keep strong sa akin, yung faith ko po kay God.”

As for her bashers, she knows that even if she says good or bad things, they will not stop with the negativity.  

“Sana wag na lang sila mag-judge ng tao lalo pa hindi nila kilala kasi wala po sila sa situation. Madali po magsalita lalo na di niyo naman alam yung pinagdadaanan ng isang tao. Ang dami ko po pwede sabihin na masasama, pero kahit anong galaw mo, may bashers po negative po talaga sila magisip, wala na po tayo magagawa, kahit ano pa ang i-explain natin sa kanila.”

Mich also thanked her fans and was teary-eyed when she mentioned her family, who’s showering her with love and support.  

As for her plans, Mich shared what she and Jam talked about before he died.

“Yung last na paguusap namin ni Jam, gusto pa din niya i-continue yung mga ginagawa namin before, yun siguro gusto ko pa din makita niya na gagawin pa din namin yun passion namin. And am sure magiging masaya siya sa akin sa mga gagawin ko sa future.”  

Main photo credit to Mich Liggayu's facebook page