• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on Maja Salvador’s kissing scenes on ‘You’re Still The One’: ‘Sunggab ka nang sunggab.’

Maja Salvador gives love advice to Kris Aquino

Kris Aquino on Maja Salvador’s kissing scenes on ‘You’re Still The One’: ‘Sunggab ka nang sunggab.’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/29/2015 11:56 PM
Maja Salvador gives love advice to Kris Aquino
052915-maja_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ibinahagi ni Maja Salvador kung ano ang linya sa You’re Still The One ang sinabi niya kay host Kris Aquino na pakinggan dahil “bagay” ito para sa kanya. Ito ang linyang, “Kahit hindi man ako, sana makahanap ka ng lalaking magmamahal sayo, ipaglalaban ka, at paninidigan ka.” Binawi naman kaagad ni Maja at sinabi kay Kris na sa kanilang dalawa bagay ang linya.

Kuwento naman ni Kris pinanood niya ang You’re Still The One para kay Maja pero siya pala ang kailangang magpasalamat dahil may naiuwi siyang mensahe mula sa movie. Ito ang mensaheng, “At the right time, at the right place, with the right person puwede pa rin palang magka-happy ending.”

Pinuna rin ni Kris ang mga kissing scenes ni Maja. “Sunggab ka nang sunggab,” ani Kris kay Maja. Maging ang anak ni Kris na si Bimby Aquino-Yap, na kasama ni Kris manood ng movie ay nagsabing “Tita Maja, you kept kissing everybody.” Natawa naman si Maja at sinabing kailangan sa mga eksena ang mga kissing scenes. Bukod dito, “Kailangan ko na mag-grow. Kailangan may bagong ipakita as an actress.”

Sa pag-atake naman ng role, sinabi ni Maja binubuo niya ang journey ng character niya para maging natural ang pag-arte niya. 

Patungkol daw ang You’re Still The One sa “unfinished business and wrong timing.”

Sa ngayon raw ay sinusian muna ni Maja ang kanyang puso. “Kailangan ko naman bumawi sa sarili ko.” Payo rin ni Maja kay Kris at sa mga kababaihan na wag kalimutan kapag tayo ay nagmamahal na “we are worth loving.”