• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino proclaims Vice Ganda’s removal of hair extensions an ‘act of courage.’

Kris Aquino declares bullied ‘It’s Showtime’ viewer attractive

Kris Aquino proclaims Vice Ganda’s removal of hair extensions an ‘act of courage.’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/29/2015 08:37 AM
Kris Aquino declares bullied ‘It’s Showtime’ viewer attractive
052915-kris1_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, pinuri ni Queen of All Media Kris Aquino si Vice Ganda sa ginawa nitong pagtanggal ng makeup at hair extensions sa It’s Showtime noong May 28, para mabigyan ng beauty advice ang isa sa mga studio participants na si Pamela Reyes.

Nagkuwento si Kris na kahit na kapag nagta-travel sila ni Vice at kahit kapag matutulog na ay suot nito ang hair extensions dahil very “conscious” siya dito at ang ginawang pagtanggal ni Vice ng hair extensions on national TV ay isang “act of courage.” Kahit na noong pumunta sila ni Vice sa amusement park “sa gitna ng init ng araw sa Hong Kong” ay nagsuot pa raw ito ng nasabing extensions.

Sinabi rin ni Kris na, “All of this is manufactured. Skin tone, ngipin.” Hindi rin daw alam ni Kris kung bakit “It's part of our culture that we really bully based on looks.” Parte rin daw ng kultura natin ang “pag-fat shaming” at pagpuna sa hindi matangos ang ilong at hindi maputi.

Hindi rin diumano alam ni Kris kung bakit nasabihan ng pangit si Pamela dahil, “that girl was actually attractive.”