• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor gives praises to the actors and those behind the new Pangako Sa Yo.

Jericho Rosales nostalgic over watching Pangako Sa'Yo remake: 'It's already exciting'

The actor gives praises to the actors and those behind the new Pangako Sa Yo.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/29/2015 08:05 AM
Jericho Rosales nostalgic over watching Pangako Sa'Yo remake: 'It's already exciting'
052815-echo_main.jpgSa first week ng pagpapalabas ng remake ng Pangako Sa'Yo, trending agad ito sa social media at naging mainit ang pagtanggap ng manonood. Isa sa mga nag abang ng episodes at pumuri ng mapanood ito ay ang aktor na si Jericho Rosales na original na gumanap bilang Angelo Buenavista na ginagampanan ngayon ni Daniel Padilla.

Binati ni Jericho ang lahat ng bumubuo ng serye

"Nostalgic and proud syempre dahil yung show namin dati ay nai-remake. I'm very very happy for the two sina Daniel at Kathryn and the entire cast."

Nagbigay din ng advise at tip si Echo kay Daniel. Huwag daw ito magpadala sa comparisson at sa pressure dahil may sarili itong diskarte sa pagganap sa kanyang role. 

"I will give a piece of advice... Daniel he is an original, parang simple lang na gumawa sila ng remake because people love it, parang the teenagers of 2015 want to see Pangako Sa Yo ngayon."

Inaasahan ni Jericho na gaya ng naunang Pangako Sa Yo na napanood on air for two years, ay magiging malaking tagumpay din ang remake nito na napapanood ngayon.

"Lahat kami proud sa kanila kasi they're taking on a very exciting project. It's already exciting."