Yung totoo? Ejay Falcon, may kinalaman ba sa break up ni Ellen Adarna at non-showbiz boyfriend nito?

BY
Darla Sauler

FRESH SCOOPS

05/28/2015 08:38 AM
Yung totoo? Ejay Falcon, may kinalaman ba sa break up ni Ellen Adarna at non-showbiz boyfriend nito?
052815-darla_main.jpgMatapos ang long term relationship ni Ellen Adarna sa kanyang non-showbiz boyfriend, sa Kris TV ay na-reveal na nagkaroon pa pala ulit ang Pasion de Amor star ng bagong non-showbiz boyfriend pero hindi rin tumagal ang relasyon nila, dahil according nga kay Ellen… “rebound” lang naman daw kasi ito.
 
May mga speculations na baka raw si Ejay Falcon ang dahilan ng recent break up ni Ellen, bilang silang dalawa ang magka-partner sa upcoming serye ng ABS-CBN na Pasion De Amor. Iniisip ng iba promo lang ito, pero para klaro sinagot pa rin ni Ejay ang issue noong magka-text kami the other day.
 
“Syempre wala. Nagulat nga ako na hiwalay na,” ang prangkang sabi sa akin ng isa sa hottest Kapamilya actors for me.
 
“Almost 8 months na kaming nagkakatrabaho, okay naman, masaya. Napakaswerte ko kasi si Ellen kapartner (ko), na alam naman ng lahat na marami ang nagkaka-crush at hindi talaga maarte. Game siya sa lahat ng eksena. Hindi ako naiilang na gawin ang mga scenes kahit love scenes. And sa lahat hindi kasi siya talaga maarteng artista. Maswerte ako lalo na bago sa akin lahat ‘tong mga ganitong eksena, bagong genre for me talaga itong Pasion de Amor. From wholesome to action to drama and now sexy, sarap ng ganitong leading lady na napakabait at professional,” ang kwento ni Ejay tungkol sa leading lady niya.
 
Eh ang totoo, ‘wag nang magpaka-showbiz, may namumuo bang something sa kanilang dalawa? “Wala, wala. Gusto ko mas lumalim ang samahan at mas makilala siya, silang lahat. Ayoko ng pabigla-bigla hehehe,” sagot ng aktor. “Sabi ko nga, mabait siya, pantasya ng kalalakihan, di maarte. Hindi siya mahirap magustuhan ng kahit na sino. Kahit saan pwede mo siya ilagay from sosyal or jologs, kaya niya pakisamahan pero mas tutok talaga kami sa trabaho ngayon.”
 
Kung tungkol naman sa kanilang tatlo nina Jake Cuenca at Joseph Marco, wala raw kompetisyon sa kanila sa Pasion de Amor. “Sa totoo lang, wala. Nagtutulungan kaming tatlo na mas mapaganda ang trabaho namin. Kasi para rin sa amin ito. Sabi ko nung unang nag-uumpisa kami, sabi ko, may mga magiging bagong kaibigan ako pero ‘di lang kaibigan ang nabuo, magkakapatid talaga kaming tatlo. Family,” sabi ni Ejay.
 
Anyway, excited ako sa pagpapainit na gagawin ng Pasion de Amor sa ating gabi. Sa June 1 na ang simula nila, bago mag-TV Patrol. Suportahan po natin sila, lalo na si Ejay my love. Hehehe!