Pooh admits he is still waiting for the big break in movies

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/27/2015 10:36 AM
Pooh admits he is still waiting for the big break in movies
052715-pooh_main.jpgMas visible si Pooh sa telebisyon dahil regular siyang napapanood sa gag show na Banana Split. Bihira siyang gumawa ng pelikula at aminado siyang pang-TV pa lang ang beauty niya.
 
“Marami naman akong live performances, do’n ako rumaraket, pero bilang aktor sa pelikula, wala pa. Hindi ko pa kinokonsider na aktor na ako no? Wala pa akong napapatunayan.
 
“Kumbaga, artista pa lang, ganu’n. Actually, hindi nga parang artista, eh, starlet pa lang kasi nga wala ka pang napapatunayan,” ang very humble na pagde-describe ng talented na komedyante.

Nagulat si Pooh na ipalalabas sa Pinas ang indie film na Espesyal Kopol na pinagbibidahan nila ni K Brosas na intended lang dapat for Canadian release.
 
“Parang hindi ako ready,” natatawa niyang reaksyon. “Mas marami akong critics dito kesa sa Canada, eh. Ha-ha-ha! Kaya hindi talaga ako ready,” sey pa niya.

Sabi pa ni Pooh, para din lang siyang nasa comedy bar habang ginagawa ang pleikula pero may script habang sinusyuting ang Espesyal Kopol. Sa tanong kung maipagmamalaki ba niya ang pelikula sa ibang mga bading na komedyante tulad ni Ate Gay, Chokoleit at Vice Ganda ang sagot lang niya ay “Oo naman. Puwede naman,” sabay tawa niya nang malakas.
 
Eh, kumusta naman ang kanyang love life?
 
“Naku, wala akong dyowa ngayon, eight years na,” balita pa niya. “Oo nga, eight years na nga,” giit uli niya.
 
Ipinakita ni Pooh sa amin kung sino ang crush niya ngayon na nasa wallpaper pa ng kanyang cellphone. “Siya ang crush ko. Si Carlo Aquino, long-time crush ko yan,” kinikilig niyang pag-amin.

Pagkatapos daw ng halos pitong taong pakikipagrelasyon sa isang lalaki, hindi na muna sumubok ulit si Pooh. “Pahinga muna. Na-trauma lang siguro ako. Masyado kasing complicated,” sey pa ng komedyante.

Katulad ng partner niyang si K Brosas sa Espesyal Kopol, umaasa din si Pooh na mabigyan ng malaking break sa pelikula at magkaroon ng launching movie.
 
“Lahat naman tayo ay umaasa sa ganyan. Lahat naman ay pinapangarap ‘yon. Pero siyempre, may proper time lang. Lagi kong nasa isip yung sinasabi sa akin ni Sir Boy (Abunda) na huwag ka laging nagmamadali.

“Kasi minsan, ang pagmamadali, yon ang nagiging dahilan para ika’y masaktan. Kagaya ng prutas, pag pinilit mong kainin nang hilaw pa, mapakla. Masarap kainin kapag hinog na.”
 
Sa tingin ba niya ay hinog na siya sa halos nince years niya sa showbiz?
 
“Nasa manibalang palang naman ako. Ayoko namang magbuhat ng sariling bangko na ‘ay kaya ko na!’  Siyempre, tatantyahin ko pa rin,” tugon niya.

Samantala, naibulong din ni Pooh sa amin na may ginagawa siyang bagong pelikula ngayon sa ilalim ng direksyon ni Joven Tan. Posible daw na ito na yung hinihintay niyang malaking break para sa kanyang career bilang aktor. Saka na lang daw niya babanggitin ang title ng pelikula.