• Home
  • Fresh Scoops
  • No awkwardness between the former Ina Kapatid Anak co-stars at Maja Salvador's movie premiere.

Maja and Janice reunite at You're Still The One premiere night

No awkwardness between the former Ina Kapatid Anak co-stars at Maja Salvador's movie premiere.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/27/2015 11:52 PM
Maja and Janice reunite at You're Still The One premiere night
052715-janice_main.jpgStar studded ang naganap na premiere showing ng pelikulang You're Still The One kagabi sa Megamall Cinemas na pinagbibidahan nina Maja Salvador, Dennis Trillo, Richard Yap at Ellen Adarna. Isa sa mga celebrities na sumuporta ay si Janice de Belen na kapatid sa talent manager ni Dennis na si Popoy Caritativo.

Good mood si Janice na nagpahayag na sinusuportahan niya ang pelikula at si Maja Salvador na ngayon nya lang makikita matapos ang split up nito kay Gerald Anderson. Mas lumalim pa ang issue ng maugnay ang pangalan ni Janice na malapit kay Gerald at Maja at sinasabing si Janice ang third party at dahilan ng hiwalayan.

Sabi ni Janice na walang ilangan na nagaganap sa kanila ni Maja at mommy pa nga ang tawag sa kanya nito.

"Wala naman issue sa pagitan namin ni Maja and I'm sure yayakapin ko siya kapag nagkita kami mamaya."

Pagdating ni Maja sa red carpet kasama ang mga co-stars sa pelikula, sinabi niya na excited na rin siyang makita si Janice na alam niyang nasa loob na ng sinehan at susuporta sa kanila

"Nag text nga siya sa akin sabi niya surprise and see you later kaya excited na ako magkita kami."

Pagpasok ng sinehan pinuntahan agad ni Maja ang lugar kung saan naka pwesto si Janice at niyakap niya ito ng matagal at mahigpit. 

Sinundan ito ng cameras ng iba't ibang TV shows at magandang eksena ang na witness ng mga nasa loob ng sinehan dahil pinatunayan nito na natapos na ang issue at wala ng dapat ipaliwanag sa pagitan nina Maja at Janice.

11118045_1125123767507417_3028227221450216518_n.png