K Brosas calls her daughter ‘future beauty queen’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/26/2015 03:31 PM
K Brosas calls her daughter ‘future beauty queen’
052615-k_main.jpgBida si K Brosas sa indie film na Espesyal Kopol na prinodyus ng Bagon’s Film Productions at idinirek ni Buboy Tan. Ayon kay K, para lang silang naglalaro ni Pooh habang nagsusyuting ang pelikula. Sila na rin daw ang nagre-revise ng script on the spot kapag may gusto silang baguhin.

“Parang nasa comedy bar lang kami. Buti na lang, mabait yung direktor namin, pinapayagan kami sa gusto naming gawin. As much as possible kasi, ayaw naming maging masyadong balahura yung mga dialogue at eksena para puwedeng mapanood ng bata,” paliwag ni K.

Gagampanan ni K sa Espesyal Kopol ang role ng isang chakang belat na mukhang tomboy na may mga kagagahan sa buhay. “Akong-ako lang di ba? Ha-ha-ha!” sey pa niya.

Ano ba ang biggest break niya sa pelikula?

“Wala pa naman akong todo, eh, although I’m so blessed na ang mga sinamahan kong pelikula mga box office, in fairness. Saka, tumatak naman kahit papaano. Sabi nila, natawa naman daw sila sa akin kahit very light lang. Ha-ha-ha!” tawa pa niya.

Ipinagmalaki pa ni K na nakasama siya sa pelikulang Unofficially Yours at sa The Mistress na parehong box-office hits.

Umaasa pa ba siya na magbibida sa pelikula?

“Why not? Walang masamang mangarap, saka sa nakikita natin ngayon, ang dadaming kasing edad ko ha na ngayon lang sumisikat. So ibig sabihin, it’s never too late. So, naniniwala pa rin ako na ibibigay ni Lord siguro sa akin ‘yon in time.

“Pero sa ngayon, masaya ako sa career ko lalo na sa mga live performances, medyo mabenta tayo do’n at sa abroad. Don tayo nakakaluwag-luwag at saka sa mga corporate shows dito,” kuwento pa ng singer-comedienne.


052615-k_main.jpgAno ba ang gusto niyang launching movie?

“Actually, may mga offer din namang indie, pero kung ako ang tatanungin mo, napag-usapan na rin namin ‘yan ni Pooh at saka ng ibang mga friends ko, yung mga nagpu-produce ng mga indie. Sabi ko, gusto ko sana kung gagawa ako, yung hindi nila ako makikilala… Dramatic kemi kung pupuwede, daring din kung pupuwede. Ha-ha-ha. Basta ’yung kakaiba, hoping din ako.. sana… tingnan natin… malay natin,” sey pa ni K.

Dahil wala pa ring love life hanggang ngayon, sa anak na si Crystal at sa trabaho lang ginugugol ni K ang kanyang oras. “Future beauty queen” nga kung i-describe niya ang anak na first year college na sa UST sa August.

“Masaya naman ako kahit walang love life kasi ang anak ko ;future beauty queen.’ Debut na niya this year, ako naman 40th birthday ko na. Seventeen pa lang siya pero 5’8” na,” very proud niyang pahayag.
 
“So ‘yon, do’n ako naka-focus kasi magde-debut/concert siya sa Teatrino. Dahil nga talented, kumakanta, naggigitara at magaling sumayaw, iskolar ng G-Force, so ‘yon. Ang anak ko, hello, hindi sa pag-a-ano, maganda siya at matangkad. Komedi lang ang hindi niya ginagawa,” sabi pa ng proud mother.

Samantala, inamin ni K na magkaiba sila ni Pokwang ng pagdisiplina sa kanilang mga anak. “Medyo magkaiba kami do’n, Pareho kaming cool mom, ako kasi, recently ko lang pinayagan ang anak kong humawak ng cellphone, eh. Every weekend lang o pag bakasyon. Pag may school, bawal. Para tutok.
 
“Tapos, malaya din naman si Crystal. Parang ako lang din in a different level. Super chika, super friendly, super talented. Ang nangyayari, kami ng anak ko, mahilig kaming mag-beach, mag-travel. Yung dalawa (si Pokwang at Mae), homebody sila. Parehong mahilig magluto. So medyo extremes di ba, pero pag nagkakasama-sama kami, nagkakasundong sobra,” kuwento pa ni K.

Palabas na nga pala ang Espesyal Kopol sa June 3.