• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa's other siblings say they are used to their sister and mom bickering.

Annabelle Rama on making peace with Ruffa Gutierrez:'Hindi pa kami nagkakaayos, plastikan lang kami

Ruffa's other siblings say they are used to their sister and mom bickering.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/26/2015 08:06 PM
Annabelle Rama on making peace with Ruffa Gutierrez:'Hindi pa kami nagkakaayos, plastikan lang kami
052615-annabelle_main.jpgMasayang nagsimula ang media conference para sa pagsisimula ng third season ng reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez na mapapanood na rin sa TFC simula June6 at sa Lifestyle Network sa June 29. Natutuwa ang pamilya Gutierrez dahil mas marami na ang makakapanood ng kanilang palabas worldwide.

Hindi naman naiwasan na maungkat ang tampuhan na pinagdadaanan ngayon ng mag inang Annabelle at Ruffa na nag iwasan na magkatabi sa presidential table sa question and answer portion. Diretso naman na sumasagot si Annabelle na di pa sila nagkakaayos ni Ruffa hanggang ngayon at plastikan lang sila.

Dito, 'di napigilan na maluha ni Ruffa na sumagot.

"In any family normal na nagkakaroon ng tampuhan at differences, ang pamilya ay pamilya and at the end of the day kami pa rin ang magkakasama at nagmamahalan."

Nagbigay din ng pahayag ang ama ng tahanan na si Eddie Gutierrez na pumagitna sa pagtatalo ng mag ina

"Pareho silang tama, gusto lang ni Annabelle bilang nanay ang the best para sa mga anak niya at si Ruffa naman, nasa edad na to choose her own life."

Pahapyaw din na sinabi ni Annabelle na sana ay nakikinig sa kanya si Ruffa at sumusunod sa kanyang sinasabi dahil siya ang nanay.

Sina Richard at Raymond naman, nasanay na daw sa mga tampuhan ng kanilang mommy at ate na alam naman nila na mauuwi rin sa pag aayos.

Mas magiging exciting daw ang pangatlong season ng kanilang palabas dahil dito mapapanood ang proposal at kasalan ng kanilang kapatid na si Elvis sa non showbiz partner nito. Mapapanood din ang travels ng family members at silip sa kanilang personal na buhay.