• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda and Daniel Padilla share happy experiences in public school.

Vice Ganda and KathNiel reminisce their happy school days

Vice Ganda and Daniel Padilla share happy experiences in public school.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/25/2015 08:03 PM
Vice Ganda and KathNiel reminisce their happy school days
Sa Gandang Gabi Vice052515-kathniel_main.jpg kagabi, binati ni Vice Ganda si Kathryn Bernardo at Daniel “DJ” Padilla dahil nabanggit diumano sila sa The New York Magazine bilang “one of the most mentioned ships.”

Masaya ding binalikan ni Kathryn, DJ at Vice ang mga school days nila. Nagkwento si Kathryn na nakapag-ulit siya noon ng sapatos ng ilang school year lalo na yung ginagamit niya for her “dengue uniform.” Kwento ni Kathryn, pinag-iingat sila noon sa dengue kaya lagi silang naka-jogging pants.

Si DJ naman ay grumaduate sa Jose Magsaysay Elementary School kung saan siya nag-aral ng grade 5 at grade 6. Si Vice diumano ay nag-aral sa sosyal na exclusive school for boys ng isang taon lang dahil hindi kinaya ng Nanay niya ang mahal na tuition fee. Matapos no’n ay nilipat na siya sa FD Calderon Integrated School, isang public school. Honor diumano dito si Vice. Matapos nito ay na-transfer uli sa Vice sa Barrio Obrero Elementary School, kung saan hindi na rin siya nag-grade 4 dahil na-accelerate na siya sa grade 5. Masayang kinwento ni Vice na pinagtanim sila at pinagbuhos ng semento sa school na ito.

Masaya ring napag-kwentuhan ni Vice at Daniel ang shared experiences nila sa public school. Inalala nila ang feeding program sa mga school nila kung saan binibigyan sila ng pagkain at every quarter tinitimbang sila.  Chine-check pa diumano sila noon kung meron silang bulate at pinaiinom sila sabay-sabay ng pink na gamot. Kwento pa ni DJ, sa school niya ay binibigyan sila ng libreng notebooks pati uniform.

Naalala naman ni Kathryn ang mga notebook na tinatahi ng yarn sa gilid na may iba’t ibang kulay per subject. Si DJ naman hindi raw siya bumili ng mga “artista notebooks.”

Naalala rin ni DJ na ayaw na ayaw niya no’on yung mga “food trays” na binebenta ng mga teachers.

Science ang favorite subject ni DJ at si Kathryn naman ay “practical arts,” kung saan siya nakakapagluto. Favorite subject din ni DJ ang Christian Living or GMRC dahil ito raw ay “madali.”