Pooh and K Brosas talk about their first love scene together

The comedians will star in the movie "Espesyal Kopol."

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/25/2015 10:14 AM
Pooh and K Brosas talk about their first love scene together
052515-poohk_main.jpgBibida sa kanilang unang starring role sa pelikulang "Espesyal Kopol" ang comedians na sina K Brosas at Pooh. Kakaiba ang concept ng kanilang pelikula na iikot sa pagpapanggap na mag-asawa sila para may makuha silang importanteng bagay na pareho nilang gusto.

Si Pokwang sana ang first choice para sa role ni K pero hindi nagtugma ang schedule ni Pokwang kaya't napunta sa kaibigan niyang si K ang role. 

Kuwento ni K at Pooh na dapat abangan ang last part ng pelikula kung saan mayroon silang love scene. Kuwento ni Pooh na mabilis lang ang shooting at di nila kinakaya ang ginagawa nila.

"Sabi ko nga kay direk (Neil Buboy Tan) sigurado po ba kayo na gagawin namin ito?" pabiro at tawa ng tawa si Pooh habang nagku kuwento. 

Si K naman dinugtungan ang sinabi ni Pooh.

"Naku matagal tagal na akong walang practice sa ganito sa totoong buhay kaya bahala na goodluck ginawa na lang namin."

Iniba ang itsura ni K Brosas sa pelikula at nilagyan siya ng false teeth kaya pati ang kanyang pagsasalita ay naiba rin. 

Noong una plano na sa Canada lang ipalabas ang pelikula pero na challenge ang producer nito na si Dhel Tan na ipalabas din dito sa Pilipinas na mapapanood na sa June 3. 

Main photo credit to orangemagazine.ph