• Home
  • Fresh Scoops
  • Lyca's career is always being compared to her The Voice Kids runner up Darren Espanto.

Lyca Gairanod answers rivalry issue with Darren Espanto

Lyca's career is always being compared to her The Voice Kids runner up Darren Espanto.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/25/2015 08:06 PM
Lyca Gairanod answers rivalry issue with Darren Espanto
052515-lyca_main.jpgAng The Voice Kids season one Grand Champion na si Lyca Gairanod ang itinanghal bilang Child Star of the Year ng isang entertainment news site at present sa media launch si Lyca para magpasalamat sa karangalan na ibinigay sa kanya.

"Gusto ko po mag thank you sa fans na nagte-text po at nag vote sa akin para makuha ko ang award na ito at siyempre po kay God."

Kahit busy sa kanyang career bilang singer at artista, hindi pa rin pinababayaan ni Lyca ang kanyang pag aaral. In coming grade three student si Lyca at scholar sa kanyang eskuwelahan, kuwento nga ni Lyca na kasama pa siya sa pagbili ng school supplies na gagamitin niya sa pag aaral.

Marami rin ang nakapansin na mas matangkad na ngayon si Lyca kumpara sa kanyang maliit na pangangatawan noong isang taon ng manalo siya sa The Voice Kids.

"Kumakain na po kasi ako ng gulay ngayon kaya mas malusog na itsura ko at dati po di ko abot ang lamesa namin sa bahay ngayon po lagpas na ako sa lamesa namin," sabi pa niya. 

At sa batang edad ni Lyca, may issues na kaagad na dapat niyang sagutin sa ka batch niyang si Darren Espanto na naikukumpara ang takbo ng career. Mas naging maingay ang usapin na ito lately dahil mas unang nabigyan ng pagkakataon si Darren na magkaroon ng successful solo album at magkakaroon ng solo major concert sa MOA Arena. Alam agad ni Lyca ang kanyang isasagot sa tanong na ito.

"Wala pong ganun sa pagkakaibigan namin lahat po kami pantay-pantay at sinusuportahan po namin ang bawat isa."

Nasa finishing touches na rin ang solo album ni Lyca kaya't abangan ang mga kantang inihanda niya para sa kanyang fans.