• Home
  • Fresh Scoops
  • The comedian delivers lots of entertainment and laughs in his concert at the Araneta Coliseum.

Vice Ganda flies high in his third major concert

The comedian delivers lots of entertainment and laughs in his concert at the Araneta Coliseum.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/23/2015 11:42 PM
Vice Ganda flies high in his third major concert
052315-vice_mainphoto.jpgSold out ang tickets kagabi sa latest major concert ni Vice Ganda na "Vice Gandang Ganda Sa Sarili Eh Di Wow."Gumawa rin ng record si Vice na unang concert performer sa Big Dome na nag perform na nasa gitna ang stage at nagamit ang lahat ng audience area ng venue. 

Opening number song ni Vice ang kantang "Beautiful" na pinasikat ni Cristina Aguilera. Gamit ang harness, eksena agad at lumipad si Vice papunta sa stage na nasa gitna ng Araneta na may stage design na parang isang carousel.

Hataw din sa sayawan ang concert at active din na nag participate ang audience sa mga comedy acts na inihanda ni Vice. Present ang mga dating kapitbahay at ka barangay ni Vice sa Tambunting Street sa Maynila kung saan siya lumaki. Nag share din si Vice ng magagandang memories niya sa lugar at sinabing matagal na siyang iniimbitahan na mag show doon kapag fiesta pero di maisingit sa kanyang full sked kayat ang buong barangay na lang ang dinala niya sa Big Dome para panoorin siya.

Nanood ang mga personalidad na malalapit kay Vice gaya nina Coco Martin, Toni Gonzaga, ang mga kasamahan sa "It's Showtime" na sina Anne Curtis na nagkaroon pa ng special participation kasama si Vice na nakipag debate kung sino ang mag magaling kung si Elsa ng "Frozen" o si Cinderella; nandoon din si Karylle, Coleen Garcia at kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith na hayagang sinabi ni Anne na single na ngayon.

Sa mga guests, binigyan ng pagkakataon ni Vice na mag shine ang kapwa comedians at singers na sina Beverly Salviejo, Cacai, Bugoy Drilon at Jovit Baldivino na kumanta ng birit songs.

Medyo natagalan ang paglabas ni Vice para sa second part ng concert dahil sumabit ang bahagi ng round carousel sa hanging LED screens.

Kasama rin sa guest performers sina Vhong Navarro, Billy Crawford at finale guest si James Reid na pinalakpakan ang spot number kasama si Vice.

Nagpasalamat si Vice sa lahat ng tumulong at nag attend para maging malaking tagumpay ang kanyang concert.

052315-vice1_main.jpg

052315-vice2_main.jpg

052315-vice3_main.jpg

052315-vice4_main.jpg

052315-vice5_main.jpg