• Home
  • Fresh Scoops
  • Ellen Adarna wanted ‘a drink’ before doing love scenes with her crush Dennis Trillo.

Ellen Adarna admits Dennis Trillo is her long-time crush

Ellen Adarna wanted ‘a drink’ before doing love scenes with her crush Dennis Trillo.

Ellen Adarna admits Dennis Trillo is her long-time crush-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/23/2015 09:46 AM
Ellen Adarna admits Dennis Trillo is her long-time crush
052315-ellen2_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, inamin ni You’re the One star Elen Adarna na “kinabog” siya sa love scenes nila ni Dennis Trillo. Paliwanag ni Ellen, “Guwapo kasi ni Dennis.” Inamin din ni Elen na crush niya si Dennis “noon pa.” Nasambit din ni Ellen sa sarili niya pagkakita niya kay Dennis na, “Oh my God, ang guwapo. I need a drink.” 

Ano naman kaya ang reaksiyon ni Dennis nang malaman niya na crush siya ni Ellen? Ani Ellen, “Hindi ko sinabi na crush ko siya.” Single ngayon si Ellen, pero ang alam daw niya ay hindi single si Dennis.

Nagdesisyon naman si Ellen na maging single for three years dahil, “I want to be happy and I want to be free.” Gusto niya raw muna maging selfish. “Ako muna.” 18 years old si Ellen nang huli siyang maging single at simula noon ay hindi na siya “nabakante.”

Dagdag ni Ellen, hindi nanliligaw sa kanya si Ejay Falcon at kapag binibiro ni Ellen si Ejay na sila na lang ang sagot daw ni Ejay ay, “Ayoko sa ’yo.”