Rico J Puno: I believed God will heal me

The music icon is thankful to have another shot at life.

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

05/22/2015 01:02 PM
Rico J Puno: I believed God will heal me
052215-rico_main.gifSa report ni MJ Felipe para sa Bandila, masayang ibinahagi ni Rico J Puno na he’s on the way to recovery. Dumaan sa triple bypass operation si Rico noong April 26.

“Well ayos na ayos siya, ang heart ko pure na pure, sabi nga nila additional 48 years again.”

Ikinwento din ni Rico kung ano ang naging kundisyon niya noon.

“My heart is big, yung aorta it has the biggest veins. And ano yung may aneurism yun at may sugat na.”

Naramdaman ni Rico ang sintomas ng kanyang sakit noong April 21, nang magkaroon siya ng high blood habang nagte-taping para sa Home Sweetie Home.

Sinabi din ng music icon na hindi siya naging negatibo sa outcome ng kanyang operasyon.

“Hindi ko nilagay sa isip ko na matsutsugi tong si Co-rics. Hindi. One hundred percent, I believed God will heal me,” sabi pa ni Rico.

Dalawang benefit shows ang hinahanda ng kanyang mga kaibigan para sa patuloy na gamutan ng music icon.