Gerald reacts to Kim, Sarah and Maja’s Instagram photo

The actor says he has already said his piece on his break up with Maja Salvador.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/22/2015 11:46 PM
Gerald reacts to Kim, Sarah and Maja’s Instagram photo


052215-gerald_main.jpgDuring the question and answer portion sa press launch ni Gerald Anderson bilang bagong ambassador ng Cosmo Cee na ginanap last Thursday ay hindi niya sinagot ang mga tanong tungkol sa break-up nila ni Maja Salvador. But right after the formal Q and A, pinutakti na siya ng tanong tungkol dito.
 
Sa tanong kay Gerald kung siya ba talaga ay matipid ang kanyang sagot. “Nagsalita na po ako tungkol diyan.”
 
Sa huling statements ni Maja ay nabanggit nito na parang  may pinagdadaanan si Gerald na kailangan munang ayusin kaya lumalabas na ang aktor nga ang nakipaghiwalay. Simple din lang ang reaksyon dito ng aktor. “Sinabi ko na po ‘yung dapat kong sinabi, way back pa.” 
 
Pero sa kabila raw ng mga pangyayari ay nananatili silang friends ni Maja.
 
“Of course.  Nagsama kami pero hindi kami nagkita kasi siyempre, kasi (sa) ASAP, so medyo hectic.” Hindi rin daw sila nag-iiwasan. “Hindi naman,” sabi pa niya.
 
Aminado si Gerald na nasa healing process pa rin siya hanggang ngayon. 
 
“Ganu’n lang talaga. I mean, wala tayong choice, eh. Kailangang mag-move forward. Marami pong taong nakadepende rin sa akin at kumbaga, as the leader of my family, siyempre, kailangan ko po talagang magtrabaho.”
 
Medyo napangiti naman si Gerald nang kunin ang reaksyon niya tungkol sa picture na lumabas sa Instagram kung saan  magkakasama ang tatlong babaeng naging espesyal sa kanya – sina Maja, Kim Chiu at Sarah Geronimo.
 
“That’s good,” sey agad niya.  “Ayoko na pong mag-comment kasi kung may sasabihin ako, it’s gonna be taken out of context. Kung paano n’yo po ie-edit, it’ll be something different. Basta masaya po lahat, ‘yun na ‘yun.”
 
 Balak na ba niya ulit humanap ng bagong magpapasaya sa kanya?
 
“Hindi, ni hindi pa dumadaan sa isip ko yan. Ang pinakaimportante sa akin is providing for my family. ‘Yon ‘yung pinaka-importante sa akin ngayon.”
 
Ayon pa sa aktor, baka raw matagalan pa ulit siya magmahal. “Matagal-tagal pa siguro.” 
 
Nagbigay din siya ng reaksyon sa naging pahayag ni Maja na wala itong regrets sa mga nangyari sa kanila. “Same, lalo na po ako,” wika pa niya.
 
Natanong din kay Gerald ang tungkol sa pagkaka-link nila ni Janice de Belen at muli ay klinaro niya ito.
 
“Ito ‘yung huling beses na magsasalita ako tungkol do’n. Para sa mga hindi pa nakakaintindi, wala pong kinalaman si Ate Janice sa kahit anon’g iniisip n’yo or kahit anon’g sinasabi n’yo. So, sana ho, wag na kayong mandamay ng tao na walang kinalaman. Please!
 
“Kung hindi pa malinaw ‘yan, wala pong kinalaman si Ate Janice. Kung hindi n’yo pa maintindihan, siguro, kailangan n’yo po si Nathaniel sa buhay n’yo,” paglilinaw ulit niya.