• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria confesses had a hard time shifting from being Maya to being Amor Powers

Jodi Sta. Maria and Richard Yap new roles far from Maya and Ser Chief

Jodi Sta. Maria confesses had a hard time shifting from being Maya to being Amor Powers

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/21/2015 09:36 AM
Jodi Sta. Maria and Richard Yap new roles far from Maya and Ser Chief
052115-jodi_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, mapapanood si Jodi Sta. Maria at si Richard Yap, na kilala natin noon bilang si Maya at Sir Chief sa Be Careful With My Heart, sa mga malalaking proyekto ngayong 2015.

Si Jodi ay magiging bida-kontrabida as Amor Powers sa Pangako Sa’Yo, habang si Richard naman ay gaganap na lover ni Maja Salvador sa pelikulang You’re Still The One.

Aminado si Jodi na nahirapan siya sa unang taping niya para sa Pangako Sa’Yo dahil ang unang eksena nila ni Angelica Panganiban ay highly emotional at physical. Nasanay na raw kasi si Jodi sa mga light scenes niya sa Be Careful With My Heart.

Si Richard naman nagkwento na nagkailangan sila ni Maja sa bed scene nila sa You’re Still The One dahil nang makasama niya noon si Maja sa seryeng Binondo Girl ay daddy siya nito.

Makakasama ni Richard sa isang teleserye si Judy Ann Santos at magsisimula na ang taping nila next week.