• Home
  • Fresh Scoops
  • Teacher Georcelle Dapat-Sy encourages Kris Aquino to try White Shirt Love

G-Force’s Teacher Georcelle reveals who is her best student on ‘Your Face Sounds Familiar’

Teacher Georcelle Dapat-Sy encourages Kris Aquino to try White Shirt Love

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/21/2015 02:31 PM
G-Force’s Teacher Georcelle reveals who is her best student on ‘Your Face Sounds Familiar’
052115-georce_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagpakita ng summer dance moves si Teacher Georcele Dapat-Sy ng G-Force kasama ang Asia’s Got Talent finalist Junior New System.

At dahil 10 years anniversary na ng G-Force, nagkuwento si teacher Georcelle na ang 10 years na yun ay parang roller coaster dahil marami itong high at low points. Para i-celebrate ang 10 years na ito, nagkaroon ng Summer Dance Glamping ang G-Force. Paliwanag ni teacher Georcelle kasama dito ang dance worskshop followed by a recital.

Sa role naman niya bilang movement coach sa Your Face Sounds Familiar sinabi ni Teacher Georcelle na nagpapakita ng 101 percent determination si Jay-R. Weakest student daw kasi niya si Jay-R dahil may sarili na itong galaw bilang RnB artist, kung kaya naman grabe ang ginawang pagpupursige nito para matuto pa ng ibang galaw. Sa babae naman, si Melai Cantiveros ang pinaka-determinado dahil game ito kahit ano ang ipagawa niya.

Hinikayat ni Teacher Georcelle ang host na si Kris Aquino na simulan na ang “White Shirt Love” dance class. Ang White Shirt Love diumano ay isang “dance fitness, which I designed originally for moms.”

Nagkaroon ng depression si Teacher Georcelle matapos niyang manganak at White Shirt Love ang naiisp niyang paraan to “kick back” from depression. Isa raw itong paraan para ma-empower ang mga moms. 

Sinabi rin ni Teacher Georcelle na kapag ginawa ito ni Kris ay “pwede na akong mag-resign.”