5 reasons bakit totoo ang destiny at may pag-asa pa ang forever dahil sa “Forevermore”

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

05/21/2015 05:33 PM
5 reasons bakit totoo ang destiny at may pag-asa pa ang forever dahil sa “Forevermore”
052115-pin_main.jpg

Marami mang nagsasabi na “walang forever” dahil sa mga nasaktan sa love, nagkaroon ng hope ang mga tao sa kwento nina Xander at Agnes, na parang itinadhana na magkita, magkakilala at magmahalan ng pangmatagalan. Tignan ang ilang mga rason kung bakit nga ba may “forever” nang dahil sa Xagnes.  

1. Si Xander nahulog mula sa langit at sinalo ni Agnes

052115-pin1_main.jpg

Cliché mang sabihin na binigay ng langit si Xander kay Agnes (dahil nahulog siya literally from the heavens dahil sa kanyang pag be-base jump), ang pagmamahalan ng Xagnes ay para bang destiny, hindi mo malalaman kung sino ang papasok sa buhay mo, na pinagdadasal mo ng matagal sa itaas, na sana dumating na and then boom! Ayan na nga. When least expected pa madalas tsaka sumusulpot ang taong mamahalin natin.


2. Xagnes + kambal na strawberry = love of your life

052115-pin2_main.jpg

Mukhang nagkatotoo ang urban legend ng La Presa tungkol sa mga kambal na strawberry dahil sa nangyari sa Xagnes. Is it coincidence or destiny, tulad ng pagbagsak ni Xander sa truck ni Mang Buboy? Sadyang meant to be si Xander and Agnes, walang kokontra!


3. Xander changed for the better and not the worst dahil sa pagmamahal niya kay Agnes

052115-pin3_main.jpg

Pasaway na tunay si Xander bago niya nakilala si Agnes. Pero after niyang tumira sa La Presa kasama ang pamilya ni Agnes, unti-unting nabago ang pananaw niya sa buhay.  Nakita niya na masaya ang magmahal at natutunan niya ang kahalagahan ng pamilya. Agnes’ love healed him and made him into a totally new person.


4. Nasurvive ni Xander and Agnes ang mga nangugulo sa nanahimik nilang love life

052115-pin4_main.jpg

Kahit pa dumating ang ex-girlfriend ni Xander na si Kate at umalis siya ng bansa dahil dito, kahit na abangers ang bff ni Agnes na si Drew, pati na din si Dude Jay at Tuks Alex, love will lead you back ang peg ng Xagnes dahil para bang lagi silang pinagtatagpo ng tadhana. Kahit sino pa ang sumingit, manggulo o maging panglito, hirap makalimutan ni Xander at Agnes ang feelings nila sa isa’t isa.


5. Ipinaglaban ni Xander and Agnes ang pagmamahalan nila sa kanilang mga pamilya

052115-pin5_main.jpg

Mala Romeo and Juliet ang awayan din ng pamilya ni Xander and Agnes. Hindi naging type ni Bettina si Agnes dahil ito’y isang simpleng anak ng magsasaka samantalang nagulo naman ang pamilya ni Agnes dahil sa La Presa project ng mga Grande at mga Saavedra. Mahirap para sa dalawa dahil loyal din naman sila sa kanilang mga pamilya. Pinatunayan nila na tunay ang kanilang nararamdaman despite the hardships na pinagdaraanan nila at nalagpasan naman nila ang pagsubok na ito.