• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress says direk Brillante Mendoza always looks out for her mother.

Lotlot de leon reacts on Nora Aunor not flying to Cannes

The actress says direk Brillante Mendoza always looks out for her mother.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/20/2015 11:59 PM
Lotlot de leon reacts on Nora Aunor not flying to Cannes
052015-lotlot_main.jpgNagmamadali mang umalis si Lotlot de Leon pagkatapos ng presscon niya for My Mother’s Secret ay nagpaunlak naman siya sa amin ng short interview tungkol sa bagong isyu sa mommy niyang si Nora Aunor.
 
“Actually, hindi ko pa talaga alam kung anong nangyari,” gulat na pahayag ni Lotlot  sa PUSH.
 
Hindi natuloy ang pag-alis ng Superstar papuntang France para umattend sa 68th Cannes International Film Festival nung May 19 (Manila time) dahil sa isang problema. Si Nora ang bidang aktres sa pelikulang Taklub ni Direk Brillante Mendoza na official entry ng Pilipinas para sa film festival. Nominated din siya for Best Actress para sa Taklub.
 
“Nakita ko lang actually sa (Facebook) wall ni Kuya Mell Navarro, doon ko lang siya nabasa na hindi nga natuloy si Mommy, pero hindi ko alam yung buong detalye,” sabi pa niya.
 
“I’m clueless. Wala talaga akong alam....aalamin ko rin. Kay Direk Brillante ‘yon 'di ba? Baka nagkaroon ang ng miscommunication... kasi miscommunication lang ‘yon. I don’t think it’s anything more than that. 
 
“Kasi this is (Taklub) pang ilang pelikula na ni Mommy kay Direk Brillante at never naman akong nakarinig na kahit kailan eh pinabayaan ni Direk Brillante si Mommy or si Mommy mang-iindyan kay Direk Brillante, di ba?” pahayag pa ng aktres.
 
Binanggit namin kay Lotlot na nasa airport na ang Mommy niya nang maisipan nitong huwag na lang sumama papuntang France. Nag-request ang Superstar na kung maaari ay alisin siya sa economy at ilipat sa business class pero hindi ito nagawan ng paraan ng staff ni Direk Brillante.
 
Nagpapasalamat naman si Lotlot sa pagbuhos ng suporta at pagtatanggol sa mommy niya tungkol sa isyu. Naniniwala ang aktres na dapat din talagang ibigay sa mom niya ang respetong para dito.
 
“’Yung respeto, oo naman, unquestionable na yon. Hindi na kasi para... kumbaga you give her what is due her. And with all the achievements that my mom has won and given the country... so hindi lang naman pangsarili niya ‘yon eh, kung hindi pang sa atin eh, di ba?” pahayag ni Lotlot.
 
May mensahe ba siya kay Direk Brillante?
 
“Sana makatrabaho  ko siya. Ha-ha-ha! Yon daw talaga yung message ko.  Ha-ha-ha!” pagbibiro pa niya na puwede rin daw seryosohin ng direktor.
 
“Seriously, kung ano man siguro yung misunderstanding na nangyari, I know, maaayos din yan. Ang liit ng industriya natin,” sabi pa niya.