KrisTek movie, malapit nga ba sa tunay na buhay nina Kris Aquino at QC Mayor Herbert Bautista?

BY
Darla Sauler

FRESH SCOOPS

05/20/2015 04:04 PM
KrisTek movie, malapit nga ba sa tunay na buhay nina Kris Aquino at QC Mayor Herbert Bautista?
052015-darla_main.jpgMatapos i-announce na magkakaroon ng pelikula sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista, noong Martes sa Kris and Bimby Summer TV ay nagbigay na ng konting patikim ang Queen of All Media, tungkol sa tatakbuhin ng story ng movie. 

Hindi raw ito romantic comedy movie, dahil isa itong break up-comedy, pabirong sabi ni Krisy. Age-appropriate raw ito at hindi magpapa-tweetums lang. 

"Basically I am allowed to share this... what happens twenty years after college graduation? All throughout college, best friends kami, siya si Student Council President, ako yung Editor ng School organ, ng dyaryo ng University. Pero everybody expected him to make it big kasi mag-Law School and all. Unfortunately, hindi siya nakapasa ng bar. Ako, sinabayan sa law school pero nainlove (sa iba)... Kinasal, ginive up ang mga pangarap para sa sarili. Pero natagalan bago nakabuo ng baby," kwento ni Krisy.

At ang baby nga na mabubuo ay si Bimby. Dagdag pa ni Kris, nagset na raw sila ng rules pagdating sa shooting ng pelikula. 

"May rules talaga. Kanina, sinet na yung rules. Bawal ang dalaw. Walang mga dadalaw na other people para hindi madistract ang lahat. Walang mga friends na dadalaw," sabi ni Kris. 

Ngayon pa lang, controversial na ang pagsasamang ito ng dating magkarelasyon sa isang pelikula. Iba't iba ang reaksyon ng mga tao, pero ang bottomline, lahat curious nang makita ang kabuuan ng movie.