Kris Aquino hints at Claudine Barretto doing comeback film with her

Kris Aquino is excited to work with the actress again.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/20/2015 11:59 PM
Kris Aquino hints at Claudine Barretto doing comeback film with her
052015-kris_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, pinangalanan na ni Queen of All Media Kris Aquino kung sino ang tinutukoy niyang actress na makakasama niya sa upcoming movie na Etiquette for Mistresses under the direction of Chito Rono.

Kagabi sinabi ni Kris na, “She’s somebody I worked with in the past and may box office history with, is coming back to be part of that movie. She is very special to me and we also worked with Direk Chito.”

Ang tinutukoy ni Kris ay si Claudine Barretto na nakasama niya sa Sukob  na isa ring obra ni Chito Rono.

Sinabi rin ni Kris na sana makasama nila si Janice De Belen sa Etiquette for Mistresses.

Nagpasalamat rin si Kris sa tinanggap na award ng Feng Shui at ng kanyang anak na si Bimby Aquino-Yap sa 46th Guillermo Mendoza Box-Office Awards 2015. KInilala ng ng naturang award giving body bilang Most Popular Male Child Performer si Bimby at ang Feng Shui naman bilang All-Time Highest Grossing Horror Film.