Janice De Belen breaks silence on Gerald Anderson-Maja Salvador split

The actress says she has nothing to hide.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/20/2015 10:58 AM
Janice De Belen breaks silence on Gerald Anderson-Maja Salvador split
051915-janice_mainphoto.jpgExclusive na nagbigay pahayag sa atin ang aktres na si Janice De Belen tungkol sa issue na nadawit ang kanyang pangalan tungkol sa hiwalayang Gerald Anderson at Maja Salvador. Nauna ng magsalita si Gerald at sumunod si Maja kayat pinili ni Janice na magsalita na rin tungkol sa issue. Si Janice ang naituturong third party at nabibigyang kulay ang closeness nila ni Gerald na nakita na silang magkasama sa ilang showbiz events.

"Ako? Bakit ba ako? Wala naman ako ginagawa? (Laughs)"

Nasa Korea si Janice kasama ang kanyang mga anak ng pumutok ang hiwalayang Gerald at Maja kayat pagbalik niya sa Pilipinas, marami ang nangulit sa kanya. Kasama na dyan ang bashers sa social media.

"Bina block ko ang mga negative at below the belt na mga messages at comments. Account ko naman yun and ayoko nakakabasa ng hindi maganda."

Wala daw dapat ika guilty sa pagkakaibigan nila ni Gerald. Naisip niya na daw kung maiilang siya kapag nagkita sila muli ni Gerald pero wala naman daw takaga dapat itago.

"Wala akong dini delete na pictures, wala akong itatago, kasi wala naman talaga, matagal na kami magkaibigan ni Gerald at pati si Maja kaibigan ko rin. Nagpapasalamat ako sa kanila na nagsalita sila na ilayo ako sa issue na iyan."

Nagbigay mensahe rin si Janice kay Gerald at Maja sa malungkot na naging ending ng kanilang relasyon

"Mahirap talaga mag maintain ng relasyon kapag parehong nasa showbiz, lalo na kapag nasa peak ka ng career mo. Pero iyung iwasan, nangyayari talaga yan, hindi dahil ayaw niyo magpansinan kundi alam niyo kasi lahat ng tao nakatingin sa inyo."