• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim is thrilled that Kim Chiu considers him ‘Mr. Right’

Xian Lim on being Kim Chiu’s Mr. Right: ‘Feel na feel ko din naman ‘yon'

Xian Lim is thrilled that Kim Chiu considers him ‘Mr. Right’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/02/2015 10:08 AM
Xian Lim on being Kim Chiu’s Mr. Right: ‘Feel na feel ko din naman ‘yon'
050115-xian_main.jpgHabang hindi pa sumasalang si Xian Lim para sa photo shoot ng new campaign ng Gibi Shoes kung saan siya ang male endorser ay nakakuwentuhan muna ng Push.com.ph ang aktor. Siyempre, hindi naiwasang itanong sa kanya ang tungkol sa very sweet message niya para kay Kim nung birthday nito na nai-post pa niya sa Instagram account.

“Nagandahan ba kayo? Uy thank you,” masaya niyang reaksyon.

“Actually, ang last message ko sa kanya was 2011 pa. I mean, nagbibigay naman ako palagi sa kanya ng note. Actually yung message ko nung 2011, papasikat pa lang ang Instagram nung 2011, eh. Nu’ng nag-post ako no’n ang daming… siyempre, nandiyan naman yung mga sumusuporta, nandiyan naman yung mga good comments, natutuwa sila and ginawa ko naman ‘yon kasi galing talaga yon sa puso ko.

But at the same time, sinabi ng mga tao na ‘a, yan na naman, gimik na naman daw, na nanggagamit.’  Eh, siyempre, 2011, ‘yon pa lang yung time na parang kino-consider ko talaga na nakapasok ako sa industriya kasi naglalakad-lakad lang naman ako sa likod dati (laughs),” pagre-recall pa ni Xian.

Mula sa isang sweet note ni Xian kay Kim nung 2011, hindi rin inakala ng binata na magkiklik ang kanilang tambalan ni Kim.

“Nakakatuwa lang isipin na… kasi ang dami rin naman naming pinagdaanan before. Hindi naman namin akalain na magiging love team kami. Hindi ko rin in-expect na lalaki yung love team ng ganito, na aabot sa ibang bansa yung sumusuporta sa amin. Tapos may mga taong handang… ‘di ba parang… lalo na ngayong usung-uso na ang social media, everyone is entitled to their own opinion and talagang ready sila to defend us. Kaya sobra talagang nakakatuwa. Lahat unexpected,” pag-alala ulit ni Xian sa pinagdaanan nila ng ka-love team.


050115-xian_main.jpgSa album launch ni Kim para sa Star Music ay nabanggit nito na ang kanyang “Mr. Right” ay patungkol kay Xian. Ano naman ang reaksyon niya dito?

“Naks, napakinggan n’yo ba yung kanta niya? Nakakatuwa, kasi siyempre naman, ang pinapakita ko lang naman sa kanya is kumbaga, yung totoong ako. Ayoko naman kasi yung… pangit naman kasi yung parang may mga sugar coating, may mga palabok, pangit naman kasi ‘yon.

“Kasi kung ano naman talaga yung nakikita sa akin ng mga nakakasama ko is kung ano talaga ako, parang ganu’n. And nakakatuwa na nung natanong siya, sabi nga niya na baka nga ako na si Mr. Right. At nakakatuwa talaga to hear it from Kim,” masaya niyang kuwento.
 
Sa palagay ba niya ay siya na talaga ang Mr.Right ni Kim?
 
“Aside from being part of her music video, feeling ko… feeling ko naman kung nasasabi naman niya na ako si Mr. Right, parang feel na feel ko din naman yon,” kinikilig niyang reaksyon.

Sa tanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila inaamin kung totoong may relasyon na nga sila ni Kim, nagbigay din ng paliwanag dito si Xian.

“Kasi wala pa naman din talagang dapat aminin. At saka, ayaw din naming magpadikta, magpa-pressure sa mga supporter na porket sinabi nila na dapat kayo na, siguro hindi naman dapat…

“Sa totoo lang, palagi kong sinasabi kay Kim na parang let’s build a strong foundation, para naman hindi tayo yung basta gagawa ng move… mas maganda pa rin Kim kung kikilalanin naming ang isa’t isa. Kasi baka naman kung naging tayo tapos away tayo nang away, nakakatakot din naman ‘yung ganun.
 
“Siguro on both ends, maganda siguro na palagi naming pinapakita sa isa’t isa yung effort. And as far as building up the foundation is concerned ramdam ko naman na pareho kaming may effort. Mahirap din naman kung ako lang di ba?” sey pa niya.

Hindi pa rin maiwasan na paminsan-minsan ay may namba-bash kay Xian lalo na tungkol sa isyung ginagamit lang nila ni Kim ang isa’t isa para sa kanilang showbiz interests.


050115-xian_main.jpg“Siyempre masakit ‘yon. I think ‘yan yung pinakamasakit na accusation sa akin. Kumbaga, hindi ko alam kung noon, di ba? I mean, kasi sobrang digital na ngayon, eh. Ang dami ng puwedeng magsalita, with the bashers, as much as possible, hindi na lang din naming pinapansin.

“Basta kami, alam namin yung ginagawa namin. It would be really unfair kung magsisinungaling lang kami pareho. Na parang joke-joke lang naman ito, eh, na parang karirin na lang natin. Basta kami ni Kim, kung ano yung pinapakita namin sa tao, totoong lahat ‘yon,” paliwanag ni Xian.

Aminado naman ang binata na kahit papaano, nasasaktan pa rin siya sa mga negatibong reaksyon na nababasa niya sa social media.
 
“Mahilig din akong mabasa, I like to read. Pumasok ako dito (showbiz), pinasok ko ito just to show my craft and to make people happy kaya nga tuwang-tuwa ako sa mga mall shows… and para makabasa ng ganun, parang nakakababa ng self-worth. Masakit din kasi kaming dalawa yung tinitira. But it’s given na, eh. Given na po ‘yon, eh. Wala na tayong magagawa do’n.”

Ang maganda kay Xian, kahit kailan daw ay hindi niya pinatulan ang kanyang bashers dahil nirerespeto pa rin daw niya ang opinion ng mga ito.

Magiging abala si Xian sa mga darating na araw sa syuting ng pelikula na pagsasamahan nila nina Angel Locsin at Vilma Santos. Muli rin niyang makakatrabaho si Kim sa nilulutong romcom ng Star Creatives na maaaring ipalabas bago matapos ang taon.