Jane Oineza reveals what she wants in a suitor

Jane Oineza answers questions about Jeron Teng.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/02/2015 10:12 AM
Jane Oineza reveals what she wants in a suitor
050215-jane_mainphoto.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagkuwento si Nasaan Ka Nang Kailangan Kita star Jane Oineza kung paano sila nagkaroon ng collaboration ng Sponge Cola para sa hit single na “Move on.” Kwento ni Jane, nag-request ang fans ng duet nang mag-host siya ng ASAP Chill Out. Hindi natuloy ang duet na hinihingi ng fans sa ASAP Chill Out, pero tinawagan diumano siya ng vocalist ng Sponge Cola na si Yael Yuzon at eventually ay nag-record na sila.  

Nagbahagi rin si Jane kung ano na ngayon ang status nila ni La Salle Green Archers star player Jeron Teng. Sinabi ni Jane na “ganun pa rin” sila. Paglilinaw ni Jane, nag-uusap pa rin sila at “we remain good friends.” 

Nang tanungin siya ng host na si Boy Abunda kung naging sila ni Jeron, tumawa si Jane at sinabing, “Wala pa naman po sa ganun.” Sa ngayon daw ay pareho silang naka-focus ni Jeron sa kanila-kanilang karera. 

Nabanggit rin ni Boy si Jerome Ponce na kapareha ni Jane sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Tanong ni Boy, “kung mabuting tao si Jerome Ponce ano naman si Jeron?” Sagot ni Jane, “supportive at gentleman.” Nirerespeto rin daw ni Jerome si Jeron. 

Pag-uusisa naman ng host na si Kris Aquino sa dalaga, puwede pa kayang ligawan si Jane ng iba? Tumawa si Jane at sinabing nahirapan siya sa tanong. Sumagot din naman si Jane at sinabing, “yes, pero gusto ko kasi seryoso, kaya kung di seryoso e di wag na lang.”