Celebrities show their strong support for Pacman

Stars reveal how they admire Manny Pacquiao.

Celebrities show their strong support for Pacman-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/02/2015 03:05 PM
Celebrities show their strong support for Pacman
050215-mannyart_main.jpgPalapit na ng palapit ang inaabangan na laban ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. at malakas na suporta ang kanyang nakukuha mula sa ating mga kababayang Pinoy kasama na ang mga kilalang celebrities na nagbigay pang positive na mensahe para sa Peoples Champ.

Para sa Megastar na si Sharon Cuneta, ipinapakita ni Pacman ang tunay na pagiging kampeon na hindi sumusuko sa laban manalo man o matalo.

"Si Pacman ang isang napaka tibay at hindi nababali na inspirasyon at pagpapatunay sa atin lahat na ang tunay na champ hindi nagki-quit."

Si Ejay Falcon naman, nakaka inspire daw ang pinang galingan ni Manny lalo na sa mga tulad niya na nanggaling sa wala at nagsumikap.

"Si Manny po kagaya ko na nanggaling sa wala. Napaka laking inspirasyon ng kanyang tagumpay sa amin lahat na galing sa wala at sana ipagkakoob sa kanya ang tagumpay."

Ang pagiging malapit sa Diyos ni Pacman ang ina-admire ni Vice Ganda at ang pasasalamat ni Manny sa Panginoon everytime na magkakaroon siya ng blessing sa buhay.

"Sa napakaraming paraan sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan niya lalo na sa mga bata na hindi malayo na marating ang tagumpay kung magsusumikap at magkakaroon ng malakas na pananampalataya sa Diyos."

Di naman nalayo dito ang sagot ni Toni Gonzaga na patungkol din sa faith ni Manny kay God ang napansin niya.

"Ako yung pananalig ni Pacman sa Diyos, ibinabalik niya lahat ng papuri at tagumpay niya kay God and I think that is the most inportant thing at dahil ginagawa yun ni Manny Pacquiao oo nga naiisip natin na lahat ng ito ay galing sa Diyos iyun ang kahanga-hanga sa ginagawa niya."

Ngayon pa lang nagbigay na din ng mensahe ng pagbati ang Superstar na si Nora Aunor sa People's Champ. 

"Sigurado na mananalo yun kaya ngayon pa lang binabati ko na siya."

Proud din si Benjie Paras dahil nakaka-angat bilang Pilipino ang lahat ng tagumpay ni Manny.

"Sa akin yung everytime na lumalaban siya dala niya ang bandila natin at pangalawa hindi niya nakakalimuyan i-recognize tayong mga Pilipino."