Mark Bautista on Rachelle Ann Go: ‘Tinutuloy niya ang magandang record ng Pinoys as world class perf

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/20/2015 04:22 AM
Mark Bautista on Rachelle Ann Go: ‘Tinutuloy niya ang magandang record ng Pinoys as world class perf
051915-mark_main.jpgSi Mark Bautista ang gaganap na male lead role bilang Nico Escobar sa Bituing Walang Ningning the Musical na una ng ginampanan nina Christopher De Leon sa pelikula noong 1985 at ni Ryan Agoncillo sa Kapamilya TV series noong 2006.

Sa media launch ng musical na ito, nakausap natin si Mark tungkol sa kanyang kaibigan at performer na si Rachelle Ann Go na umaani ngayon ng tagumpay sa West End sa stage musical na Miss Saigon at sa Les Miserables. Ayon kay Mark, mukhang doon muna magiging base si Rachelle Ann dahil sa magagandang breaks na nakukuha niya.

"Nagkausap kami even before noong nasa London pa ako. Gusto niya muna mag stay doon kasi dumadating ang magagandang opportunity and ayan na nga papasok na siya sa Les Miserables, kumbaga baby na siya ni Cameron Macintosh di na siya binitawan." 

Hindi naman daw nakakalimutan ni Rachelle Ann ang local showbiz at name-miss na nito mag perform sa kanyang mga kababayan pero proud si Mark dahil isa si Rachelle sa nagtatayo ng pangalan ng ating bansa bilang tahanan ng world class performers.

"Nami miss niya ang showbiz dito sa atin siyempre pero sa ngayon nag e-enjoy siya doon kasi nagbibigay siya ng honor sa bansa natin. Tinutuloy niya ang magandang record na kapag Pinoy, magaling at world class na performer."

Bilang Nico Escobar naman sa Bituing Walang Ningning the Musical, pinag-aralan daw ni Mark ang kanyang papel.

"Pinanood ko iyung movie, dito kasi iba. Mas malaki ang movements, iba ang script, may nadagdag na mga scenes so hopefully magampanan ko siya ng maayos. First time ko mag-play na all Tagalog ang lines so bagong challenge ito para sa akin ngayon. Dito yata muna ako nalilinya pero siyempre nandyan pa rin ang pagkanta at concerts natin ‘di naman napapabayaan."

Magsisimula ang Bituing Walang Ningning the Musical sa June 17 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.