• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says Herbert Bautista and she “were never lovers.”

Kris Aquino says she and Herbert Baustista are not ‘ex-lovers’

Kris Aquino says Herbert Bautista and she “were never lovers.”

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/19/2015 01:07 PM
Kris Aquino says she and Herbert Baustista are not ‘ex-lovers’
051915-kristek_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nag-react si Kris Aquino nang tawagin sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na “ex-lovers” sa opening billboard ng naturang show. Ani Kris, “We were never lovers po. Can I just clarify that? Nothing ever happened.”

Magkakaroon ng isang romantic flick ang tambalan na KrisTek sa unang pagkakataon under the direction of Antoinette Jadaone. 

Natawa rin si Kris dahil nang makita niya ang interview nila ni Herbert kasama si Direk Antoinette ay nasa magkabilang dulo sila ng mesa. “Grabe ang body language.” Nang sabihin naman ni King of Talk Boy Abunda na mukhang nag-uusap naman si Kris at Herbert, sinabi ni Kris na, “care of Direk Tonette.”

Dagdag pa ni Kris, “the story will be told through the eyes of our children.” Ang anak ni Kris na si Bimby Aquino-Yap ang magiging anak niya sa pelikula at ang isa sa magiging mga anak ni Herbert sa pelikula ay si Jana Agoncillo na bida sa katatapos lang na Kapamilya serye na Dream Dad

Ipinagmalaki rin ni Kris na pinayagan na siya ngayong gawin ang isang proyekto na matagal na niyang gusto. Kuwento niya, kasabay ng KrisTek movie ay isu-shoot din niya ang isa pang pelikula na Etiquette for Mistresses under the direction of Chito Rono.

Makakasama niya rito si Kim Chiu at isang pang tao na malapit sa puso ni Kris. “She’s somebody I worked with in the past and may box office history with, is coming back to be part of that movie. She is very special to me and we also worked with Direk Chito.” 

Ang Etiquette for Mistresses ay isang movie adaptation mula sa libro ni Jullie Yap Daza. Ayon kay Kris, “Direk Chito owns the rights and Star Cinema made it modern.”