Maja Salvador reveals she has love scenes with Dennis Trillo and Richard Yap in new film

You're Still The One character most daring yet for Maja.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/18/2015 09:26 PM
Maja Salvador reveals she has love scenes with Dennis Trillo and Richard Yap in new film
051815-majasalvador_main.jpgDaring kung i-describe ni Direk Chris Martinez ang role ni Maja Salvador sa pelikulang You’re Still The One ng Star Cinema at  Regal Films. May love scene si Maja sa dalawa niyang leading men sa pelikula na sina Dennis Trillo and Richard Yap.
 
“Ilang beses kaming nag-meeting ni Direk at Dennis. Kinausap ako ni Direk kung willing ba ako talaga na ibigay yung buong-buo ko dito sa movie, yung no hesitations, na kung anong hilingin niya sa akin ay ibibigay ko. Siyempre, may mga discussions din kami ni Direk pero nagkasundo din naman kami."
 
Aminado si Direk Chris na talagang sa simula ay natakot siyang baka hindi tanggapin ni Maja ang project. 
 
“This is really a departure from what we really see her usually do in movies, eh. Malaki ‘yung hiningi ng role from her in terms of maturity ng character, views about love and relationships and sex, ‘yung ganu’n. So this is something very mature for her,” sabi pa niya.

Ayon naman kaya Maja, grabe talaga ang pagka-mature ng karakter niya sa You’re Still The One. “Hindi lang ako sa love scenes nag-worry kasi may mga dialogues din na...  ‘yung sitwasyon din,  ‘yung mismong karakter din, sobrang ‘ha, kababae mong tao.’  Siya ‘yung... aggressive,” kwento  pa ni Maja.
 
“Sa pelikulang ginawa ko, ito ‘yung pinaka,” dagdag pa ng aktres.
 
Eh, kumusta naman ang mga love scenes niya with Richard and Dennis sa pelikula?
 
“Ah... hmmm,” buntong-hininga ni Maja bago itinuloy ang gustong sabihin. 
 
“Nakayanan ko naman po. Huminga na lang po ako ng malalalim at inisip ko na lang na ako si Elise (character niya sa pelikula). Lalung-lalo na do’n sa eksena ko with Papa Chen (Richard Yap), pero ‘yon, nagawa naman po nang maganda... artistic naman yung pagkakagawa. 
 
“Kailangan kasi sa pelikula, eh. At di ba, sa love story naman ng mga tao, part talaga yung ganu’n (bed scene at love scene). So, abangan n’yo na lang po,” sey pa ni Maja na humirit pa at sinabing “Basta, lumaban ako kay Ellen (Adarna).
 
Kwento pa ni Maja, nauna raw ang pag-okay niya na makasama si Dennis bago niya nabasa ang script kaya hindi na raw siya nakaurong pa. Pero no regrets naman daw dahil matagal na nga raw niyang dream na makasama ang aktor at hindi naman daw bastos ang pagkakagawa ni Direk Chris.
 
Dahil kabe-break nga lang ni Maja, at si Dennis naman ay parang single rin dahil wala pa naman siyang inaamin na nagkabalikan sila ni Jennylyn Mercado, tinanong ang dalawa kung posible bang ma-in-love sila sa isa’t isa.
 
“Pwede,” natatawang sabi ng aktres. “Sa eksena kasi namin, may ganun... Pero hindi, tingnan po natin. Depende yan kay Dennis. Ngayon, kumalma lang po, kalma lang ang puso ko,” natatawang sabi pa ni Maja.
 
Palabas na ang You’re Still The One sa May 27.