• Home
  • Fresh Scoops
  • Is love lovelier the second time around for Dennis and Jennylyn?

Dennis Trillo answers questions about reconcilliation with Jennylyn Mercado

Is love lovelier the second time around for Dennis and Jennylyn?

Dennis Trillo answers questions about reconcilliation with Jennylyn Mercado-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/18/2015 09:21 PM
Dennis Trillo answers questions about reconcilliation with Jennylyn Mercado
051815-dennis_main.jpgHalatang kabado si Dennis Trillo nang muli siyang tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN para sa presscon ng pelikulang You’re Still The One na prinodyus ng Star Cinema and Regal Entertainment. Dating Star Magic artist si Dennis bago siya lumipat sa GMA-7.
 
“Ang tagal na rin kasi nu’ng huli akong napunta dito. Di ko na rin matandaan,” bulalas agad niya. “May presscon ako noon sa The Janitor na Star Cinema din ang nag-release, pero hindi naman dito mismo ginawa sa ABS-CBN compound… Ang sarap lang ng pakiramdam. Parang bumalik yung old memories nu’ng dati akong nasa Star Magic,” masaya niyang pahayag.
 
Kapartner ni Dennis sa pelikulang You’re Still The One, na showing na sa May 27, si Maja Salvador at nagkaroon sila dito ng maiinit na eksena. Bukod kay Maja, may love scene din sila ni Ellen Adarna.

“Si Ellen, wala siyang inhibitions sa katawan. Pero bago ang mga eksena namin, marami siyang mga ritwal. Akala ko nga siya yung tipong game sa mga ganu’ng eksena pero parang siya pa yung merong reservation. Basta marami siyang ritwal bago kami mag-take,” pagbubulgar pa ng aktor. 
 
“Eh, si Maja naman, wala namang naging problema. Hindi rin siya nahiyang gawin ang mga daring scene namin.  Halatang medyo kabado siya, kasi hindi naman talaga siya sanay sa ganu’n... pareho lang naman kami, pero we do it professionally. She is very professional at masarap siyang katrabaho,” papuri ni Dennis kay Maja.
 
Dahil may mga naglalabasang balita na diumano’y nagkabalikan na sila ng ex-girlfried na si Jennylyn Mercado kaya tinanong na rin namin si Dennis tungkol dito. Ano ba talaga ang totoo?
 
“Wala pa sa ganoong... Ang totoo po niyan, ang nangyayari, parang binubuo pa lang namin ‘yung mga nasirang pagkakaibigan. Wala pa, wala pa,” katwiran agad niya.
 
Posibele ba ulit na ma-in love siya sa dati niyang nakarelasyon. Halimbawa, kay Jennylyn?
 
“Depende siguro sa pinagsamahan n’yo at sa pinagdaanan n’yo sa nakaraang relasyon. Pero, ah... hindi mo pa rin talaga masasabi, eh. Depende sa relasyon, eh.
 
“’Yung ganu’n kasi, posible naman siyang mangyari talaga, pero hindi po siya nangyayari sa lahat ng relasyon, eh. Meron siguro sa ilan, pero hindi sa lahat naa-apply,” paliwanag niya.
 
Eh, sa kasabihang “love is lovelier the second time around” naniniwala ba siya?
 
“Puwede naman, naniniwala din... Pero katulad nga ng sinabi ko, depende yon sa sitwasyon, kung ano yung pinagdaanan ninyo dati at kung papaano kayo ulit o kung papaano ulit yung samahan n’yo ngayon,” katwiran niya.
 
Birthday ni Dennis during the presscon of You’re Still The One at ayon sa aktor, wala na siyang mahihiling pa.
 
“Sa totoo lang po, kalabisan na sa akin ang humiling pa dahil sa palagay ko, sobra-sobra na rin ang natatanggap ko. Napakaraming blessings ang dumarating araw-araw. Siguro, hiling ko na lang, good health para magawa ko ang trabaho ko,” matipid niyang pahayag.
 
Kasama rin sa pelikulang You’re Still The One si Richard Yap, na may bed scene din with Maja. Ang pelikula ay idinirek ni Chris Martinez.