• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica also admits she and Jodi are complete opposites during their GGV guestiing.

Angelica Panganiban says Jodi Sta Maria surprised her with her ‘sampal’

Angelica also admits she and Jodi are complete opposites during their GGV guestiing.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/18/2015 09:23 PM
Angelica Panganiban says Jodi Sta Maria surprised her with her ‘sampal’
051815-angelicajodi_main.jpgSa Gandang Gabi Vice nitong Linggo, nagkwento sila Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban kung paano nila nakuha ang mga roles nila bilang Amor Powers at Claudia Buenavista sa timeless Kapamilya serye na Pangako Sa’Yo.

Pabirong sinabi ni Angelica na noon pa man, si “Madame Claudia ang peg ko sa mga (kontrabida) roles ko bilang Scarlet at Rubi.” Plinano daw niya na mapunta sa kanya ang role ni Madame Claudia Buenavista. “Mas matalino ako sa ABS (CBN).”

Si Jodi naman, inamin niya na hesitant siya noong una tanggapin ang role bilang Amor Powers dahil nang inoffer ito sa kanya ay tinatapos pa niya ang Be Careful With My Heart. Pero nagbago ang isip niya nang paalalahanan niya ang sarili niya na, “I’m an actor at bilang aktor ay kailangan magpakita ng versatility.”

Sinabi rin diumano ni Eula Valdez, na gumanap bilang Amor Powers sa original Pangako Sa’Yo, na wala siyang ibang nakikitang gaganap na Amor kundi si Jodi. Kaugnay nito, tinanong si Angelica kung sino ang piliin niyang gaganap na Claudia Buenavista  bukod sa kanya. Sagot ni Angelica, “Wala talaga e. Plakado talaga siya sa akin e.”

Diretsa ring sumagot si Angelica, nang tanungin ito kung nae-enjoy niya ang company ni Jodi sa set. “Hindi…Lumalayo talaga ako kasi ang pure ng paligid kapag nandiyan siya. Hindi ko kaya talaga.”

Taliwas kay Angelica, sinabi naman ni Jodi na “natutuwa akong panoorin siya (Angelica).” Pinapanood niya raw si Angelica kapag, halimbawa, ka-banter nito si Ian Veneracion na gaganap namang  Eduardo Buenavista sa Pangako Sa’Yo. Inamin rin ni Jodi na, “nai-intimidate ako sa kanya (Angelica).”

Bumawi naman si Angelica nang sabihin nito na “malakas maka-balance” si Jodi sa set.  Isa raw kasi itong “breath of fresh air siya.” Dagdag pa nito, “positive ang outlook niya at walang reklamo sa katawan.” Kaya naman  kapag nandiyan daw si Jodi ay nasasabi ni Angelica sa sarili ay, “Ay naku nandito si Jodi. Hindi ako pwede mag-attitude, mako-compare.”

Nagulat rin si Angelica sa malakas na sampal sa kanya ni Jodi. Marami na sa kanyang naka-sampal na artista katulad nila Cherry Gil at Cherry Pie Picache, pero pinaka-malakas na natikman niya ang kay Jodi. Si Jodi naman, isa raw sa may “pinakamabigat na kamay” na nakasampal sa kanya ay si Jean Garcia, na gumanap naman bilang Claudia Buenavista noong original Pangako Sa’Yo kung saan si Jodi naman ay gumanap bilang si Lia Buenavista.