• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim also details what he went through during one of the most difficult times in his life.

Xian Lim is willing to do sexy roles: ‘Sa akin, wala namang isyu yon’

Xian Lim also details what he went through during one of the most difficult times in his life.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/17/2015 08:53 PM
Xian Lim is willing to do sexy roles: ‘Sa akin, wala namang isyu yon’
051715-xian_updates.jpgAminado si Xian Lim na hindi naging maganda para sa kanya ang last quarter ng taong 2014 dahil sa iba’t ibang intriga na kinaharap niya. Pero ayon sa kanya,  Kung anu-anong intriga ang kinaharap niya, marami naman siyang natutunan dito.
 
Honestly, mahirap yon, eh. Yung 2014 was very tough sa akin. Pero ano, eh, I always have to be positive. Mahirap naman mag-dwell sa ganu’n, dapat positive lang palagi. Pero mahirap talaga. Mahirap yung mga nangyari,” pagre-recall ng binata.
 
“Marami lang akong natutunan, marami rin kasing naiparamdam sa akin ang mga nangyari, eh...  Siguro more forgiving, pero alam mo ‘yon, yung pakiramdan na parang naiparamdam sa akin yung sobrang sakit na pakiramdam at pag naramdaman mo na yon, ang masasabi mo na lang sa sarili mo is what else can go wrong. Parang o sige, naramdaman ko na ito, andito na ako, so ano pa bang puwede kong maibigay, ano pa bang puwedeng mangyari?” dagdag pa niya.
 
Ayon pa kay Xian, na-realize din niya na baka may mga tanging pagkukulang din siya kaya ayaw siyang lubayan ng mga issues noon.
 
“Yes of course, partly rin. Kasi baka meron din naman akong kailangang ayusin. Baka meron din naman akong pagkukulang. Na anuman yung pinapakita ko, maski 100 percent na, eh, hindi naman puwede tayong lagi na lang magde-depend do’n sa saying na ‘you cannot please everyone.’ Hindi puwedeng do’n na lang palagi. Maybe ano...  baka may kailangang pagbabago,” paliwanag pa niya.
 
Nasaan si Kim Chiu nung time na ‘yon na maraming isyu tungkol sa kanya?
 
“Isa nga siya sa mga sinasabihan ko rin na parang umabot nga sa point na nagwu-worry na nga siya, eh. Kasi siyempre, mahirap magtrabaho na...  I mean, mabuti sana kung paper works ito, eh. Mabuti sana kung nasa office tayo na... pero hindi, eh. Tapos nadya-judge ka.
 
“Paano ko dadalhin yung sarili ko knowing na may ganu’ng nangyayari. Pero at the same time, thankful ako na nando’n si Kim at ang mommy ko.” 
 

051715-xian_updates.jpgHindi naman daw niya naisip ang mag-quit sa showbiz sa kabila ng mga pangyayari.

“Hindi naman siguro ako aabot sa ‘ayoko na, ayoko na. Hindi ako yung tipo na parang itigil na natin ito. Hindi naman siguro darating sa ganun.  I’m just keeping myself occupied, nagbabasa ng libro, marami namang puwedeng gawin, eh,” he sad.
 
Aminado rin ang aktor na talaga namang wala pa siyang napapatunayan kung galing sa pag-arte ang pag-uusapan. Tanggap din niya ang criticism ng iba tungkol dito.

“Sa totoo lang, hindi ko puwedeng sabihin na napaka-unfair naman nila to say that kasi ilan pa lang din naman ang nagawa ko. Nasa daliri ko yata. Kasi, hindi ko pa napapatunayan fully, kasi ang nagawa ko lang naman ay Two Funerals, puro romcom lang naman ang ginawa ko.
 
“Siguro hindi pa siya marami talaga para masabi na naipakita ko talaga yung kaya kong gawin. Saka hindi pa rin naman dumarating sa akin yung material na ire-require ako sa ganu’ng level ng acting,” paliwanag niya.
 
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gustong mag-explore ni Xian sa iba’t ibang roles. “Gusto kong gumawa ng psychotic thriller movie, gusto ko ring mag-action. Gusto ko rin sanang gumawa ng indie films, yung tipong ibang-iba talaga yung role.
 
“Gusto kong gumawa sa Cinemalaya. Ang last ko is yung Two Funerals pa, tapos puro mainstream na, eh. Gusto ko ring mag-musical kasi iba ring training yon. iba sila, eh, iba yung mga matututunan do’n. Kumbaga, lakad pa lang nila may dating na, eh,” excited niyang pahayag.
 
Maging pagpapa-sexy sa pelikula, okey din pala kay Xian.

“Sa akin, wala namang isyu yon (pagpapaseksi) given the right material... Pag may nag-offer, sana maganda yung material. hindi yung ano ba to, makapaghubad lang,” natatawa niyang reaksyon.