• Home
  • Fresh Scoops
  • PBA player Paul Lee says he enjoyed his first autograph signing session for his new album.

Paul Lee is now a recording artist

PBA player Paul Lee says he enjoyed his first autograph signing session for his new album.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/17/2015 08:52 PM
Paul Lee is now a recording artist
051715-paul_updates.jpgCertified recording star na ang PBA player ng Rain or Shine na si Paul Lee. Ini-launch kamakailan lang ang kanyang first album titled Angas ng Tondo sa Sta. Lucia Mall activity center at dinaluhan ito ng maraming fans.

Carrier single ng album ang rap song na “Angas” na si Direk Joven Tan ang composer.  Distributed ang album ng Star Music.

Sobrang saya kasi first time ko ’to, tapos marami yung tao na nagpunta. Nakakataba ng puso. Yung effort nila na nandon sila, masaya ako at mas lalo ko pang paghuhusayan, magtatrabaho pa ako lalo para mapasaya ko pa sila lalo,” kuwento sa PUSH ni Lee after ng kanyang autograph signing sa daan-daang bumiling kanyang CD.

Saan ba siya mas napapagod, sa autograph signing o sa paglalaro ng basketball?

Actually, hindi ako napapagod sa dalawang yon, eh,” masaya niyang pahayag. “Kasi, gusto ko naman yung mga ginagawa ko, eh. May kasabihan nga tayo na pag gusto mo yung ginagawa mo kahit na gaano kahirap yan, hindi ka mapapagod. So, para sa akin, nag-i-enjoy lang ako. Masaya. Alam ko ring nakakapagpasaya ako kahit na papaano sa mga taong sumusuporta sa akin,” sey pa niya.

Hindi ko talaga in-expect na ganyan, na maraming taong pupunta. Kala ko, puro mga kakilala ko lang yung pupunta, family, relatives, pero nu’ng nakita ko yung iba tao na lumuwas pa ng probinsya, may mga taga-Bulacan na lumuwas pa para makita ako... parang alam mo yon, meron palang mga taong ganu’n,” medyo gulat niyang reaksyon.

Hindi naman sigurado ni Paul na after niyang gumawa ng album ay papasukin na rin niya ang pag-arte.

Nagdedepende lang naman ako kay Direk Joven, eh. Kung ano yung plano niya at basta kaya ko namang gawin, okey lang,” sey pa niya.

Nag-start na ulit ang third conference ng PBA at magiging abala na ulit si Paul sa paglalaro sa Rain or Shine. Pero kapag walang schedule, tututukan din daw niya ang promo ng Angas ng Tondo album na mapapanood ang music video sa YouTube.