Monica Cuenco hopes Sharon Cuneta and Sarah Geronimo will watch Bituing Walang Ningning musical

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/18/2015 12:33 AM
Monica Cuenco hopes Sharon Cuneta and Sarah Geronimo will watch Bituing Walang Ningning musical
051815-monica_main.jpgSa special 20 minutes na performance ng bagong stage musical na Bituing Walang Ningning noong sabado sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, nagbigay patikim ang lead cast ng palabas ng ilan sa highlights ng kanilang palabas.

Showcase din ito ng mga awit na gawa ng magaling at award winning composer na si Willy Cruz dahil more than half ng mga kanta sa musical ay mga awit na gawa niya.

Malaking highlight ng special show ang pagpapakilala sa bagong mukha na gaganap sa lead role na Dorina Pineda na una nang ginampanan ng Megastar Sharon Cuneta sa pelikula noong 1985 at ng Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo sa isang Kapamilya TV series noong 2006.

Isa sa mga wish ng singer na si Monica Cuenca ay ang sana manood ng kanilang palabas si Sharon at Sarah na mga nauna ng gumanap bilang Dorina Pineda.

051815-bituin4_main.jpg

"Nakaka-kaba po kung nakikita ko sila sa audience na nanonood, pero mas gusto ko po sila makilala ng personal para naman po makapag pasalamat ako at nabigyan ako ng pagkakataon."

Kinakabahan pero thankful si Monica sa blessing na dumating sa kanyang career dahil siya ang napili sa maraming nag audition para sa role.

051815_bituin3_main.jpg

"Pinanood ko po talaga iyung movie ni Sharon Cuneta kasi fan po talaga ako ni Miss Sharon at iyung TV series din ni Miss Sarah, pinanood ko rin po dahil isa rin po akong fan niya," sabi pa ni Monica. 

Naging finalist noon ng Kapamilya reality talent show na Star Power si Monica at ito na daw siguro ang magandang break na hinihintay niya para maibahagi ang kanyang talento sa pagkanta.

Magsisimulang mapanood ang Bituing Walang Ningning The Musical sa June 17.