• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress explains why she agreed to do a movie with her ex.

Green light for Kris Aquino and Herbert Bautista movie

The actress explains why she agreed to do a movie with her ex.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/16/2015 08:31 PM
Green light for Kris Aquino and Herbert Bautista movie
051515-kris_main.jpgNaganap kanina ang story conference ng unang pelikula na pagsasamahan nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Yes, tuloy na ang pelikula na noon ay marami ang nagsabi na hindi na matutuloy dahil sa mga pangyayari sa personal na buhay ni Kris at Mayor Bistek pero ngayon na ok na ang lahat sa pagitan ng "KrisTek" tandem ay go na go na ang pelikula.

Ang in demand director and screen writer na si Antoinette Jadaone ang magbubuo ng pelikula na may working title ng He Said She Said.

Ayon kay Kris, nag yes siya sa pelikula dahil kailangan niya ng closure at ito ang magpapatunay na okey na siya at di na iiyak everytime na uuwi siya galing sa shooting. Noong una, ayaw pumayag ng anak ni Kris na si Bimby na ituloy ang project dahil na broken heart daw ang kanyang mom kay Mayor Bistek pero ngayon ay ok na kay Bimby ang project at kasama rin siya dito.

Si Mayor Herbert naman, hindi makakatanggi sa project na ito kasama si Kris at excited na siyang simulan ang pelikula.

May mga rules daw silang susundin sa shooting days ng project na ito. Bawal ang visitors para maka concentrate sila sa kanilang roles at sa shooting.

Hands on at may say sa story sina Kris at Mayor Herbert at nagbiro pa si Bistek na halos lahat ng inputs at story ideas ay mula kay Kris.

Iikot daw ang story ng pelikula sa former college sweethearts na di nagkatuluyan at muli nagkita sa present age. Doon pa lang daw ay exciting na ang itatakbo ng kuwento.

Target na ipalabas ang pelikula ngayong taon.