Vice Ganda says he can’t blame Atom Araullo for saying ‘I love you’ back

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/15/2015 10:43 AM
Vice Ganda says he can’t blame Atom Araullo for saying ‘I love you’ back

051515-vice_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagkuwento si Vice Ganda tungkol sa concert niya sa Araneta Coliseum na pinamagatang Vice Gandang Ganda sa Sarili. Sinabi ni Vice na 90 percent comedy ang concert niya at konti lang ang kantahan. First time rin diumano sa concert ng isang local artist na ang stage ay ilalagay sa gitna

Ayon kay Vice, “positive ang concert na ‘to at uuwi kang gandang-ganda ka sa sarili mo.” Ilan sa mga guests ni Vice si James Reid, Vhong Navarro at Billy Crawford.

Pinayuhan rin ni Vice ang host na si Kris Aquino na huwag nang isama ang kanyang anak na si Bimby Aquino-Yap dahil pang-comedy bar ang humor ng concert at “may mga laswaan.” R-13 ang rating ng concert ni Vice.


Meron din portion about sa love sa concert ni Vice at magiging sexy ang atake dito.

Masaya ring kinuwento ni Vice ang naganap na palitan nila ng “I love you” ni Atom Araullo over the phone sa It’s Showtime. Kuwento ni Vice, nag-“I love you” siya kay Atom at sumagot naman si Atom ng “I love you, too.” Dagdag pa ni Vice, “hindi ko naman siya masisi.”