• Home
  • Fresh Scoops
  • Inah Estrada on rumors about her mom Janice de Belen and Gerald Anderson: ’There's absolutely nothing!’

Inah Estrada reacts to rumors about her mom Janice de Belen and Gerald Anderson

Inah Estrada on rumors about her mom Janice de Belen and Gerald Anderson: ’There's absolutely nothing!’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/15/2015 08:04 AM
Inah Estrada reacts to rumors about her mom Janice de Belen and Gerald Anderson
051415-inah_main.jpgNakausap ng PUSH.com.ph si Inah Estrada, anak nina Janice de Belen at John Estrada, sa presscon ng Baker King ng TV5 at kaagad naming hiningi ang reaksyon niya tungkol sa isyu sa mom niya at sa aktor na si Gerald Anderson. 
 
Sabi agad ni Inah, “Siyempre, I get affected, I mean, I can’t help it, but as long as alam kong walang katotohanan at all... I know my mom and I know that... she’s just... wala, ganu’n talaga, eh,” pagtatanggol niya kay Janice.

“It’s just that, there will always be rumors naman, eh. Ang sa akin naman po, even if you’re a good person, there will always be people who will not like you, na mag-i-spread ng rumors... Nu’ng una, naapektuhan talaga ako. It came to a point na papatulan ko na talaga.

“But then, I told myself na ‘you know it’s not true, there’s no point para patulan... ‘ Wala, ganun talaga, eh,” patuloy niyang pahayag.

Eh, single naman ang mom niya kaya puwede itong magka-boyfriend ngayon. May masama ba do’n?

“Walang masama don but... wala kasi talaga, eh. There’s absolutely nothing. Kuya Gerald is my mom’s friend. And he is a very, very good person. Pero hindi rin naman natin maiiwasan na there is people who think maliciously talaga.

“Pero ngayon, I’m not bothered by that anymore, as much as I should be kasi alam kong wala talaga, there’s nothing... It’s not true guys,” paglilinaw pa ng dalaga ni Janice.

“I don’t want my mom to grow old alone. She’s been through so many heartbreaks na and I don’t want to see her get hurt again so for now, siguro wag na lang muna... I think we’re enough na lang muna for her. But if she wants to find someone, if someone comes along and if that someone is going to treat her really well, no problem.”


051415-inah_main.jpgSa mas bata okey lang ba?

Tila napaisip naman si Inah nang tanungin namin if okey lang sa kanya na may mas batang lalaki na manligaw sa mommy niya.

“Ha?” gulat niyang reaksyon. “Ah, depende... depende siguro. I think if there’s a guy who is younger than my mom who will court her, siyempre he has to get through us first. Screening muna, VTR, there will house rules. Pero siyempre, he has to go through us first. Kasi kaming magkakapatid we would know naman if the guy is good for my mom or not,” deklara ni Inah.

Samantala, ngayong umaarte na rin siya at kapartner ng tinatawag na Kilig Prince ng TV5 na si Mark Neumann, hindi maiiwasang maikumpara siya sa kanyang parents na parehong magagaling na artista.

“Ang acting kasi, kahit sabihin nilang do this, do that, siyempre hindi ko naman magagawa yung ginagawa nila kasi my mom is Janice de Belen, my dad is John Estrada, so I have to make my own... to hone my own skills as Inah Estrada.

“Ang laging sinasabi lang niya (Janice) sa akin is always research your role, mag-research ka, mag-practice ka and just be yourself, tapos concentrate, makinig ka. Yon din lang naman ang sinasabi ng dad ko,” pahayag ni Inah sa PUSH.

Pressured ba siya sa expectations ng tao sa kanya?

“Actually, before I entered showbiz, nung mag-uumpisa pa lang ako, sinasabi ko talaga sa sarili ko ‘naku, may pressure, because my mom and dad they’re very good talaga, one of the best actors and actresses talaga by far, so sabi ko, people will expect a lot from me.
 
“But then, sinabi ko talaga sa sarili ko na I cannot always live by my mom and my dad’s shadow. Siyempre, kailangan ko ding gumawa ng sarili kong pangalan at yon talaga yung goal ko. And maybe this one, Baker King, will help me,” paliwanag pa niya.