Angelica misses her mommy: "Ang gusto ko lang maging proud ka sa akin."

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

05/15/2015 06:00 PM
Angelica misses her mommy: "Ang gusto ko lang maging proud ka sa akin."
051515-angelica_pod.jpg


Hi mommy.. Sakto lang sa mga oras na to, 2 years ago.. Iniwan mo na kami. Nagpahinga ka na. At ayaw mo ng mahirapan. Nagbabakasakali lang akong may ineternet sa Heaven.. At mababasa mo 'to. Alam mong, walang araw ang nakalipas na di ka sumagi sa isip ko. May mga gabi na bigla na lang akong iiyak, kasi alam kong kahit anong gawin ko, hindi na kita mayayakap ulit. Hindi ko na ulit maririnig mga kwento mo.. Sinusubukan kong ibalik ang direksyon ng buhay ko. And this time, seseryosohin ko na. Sa tamang panahon, magkikita ulit tayo. At ang gusto ko lang, maging proud ka sakin. Sa mga naging desisyon ko sa buhay. Sa pag aalaga ko sa sarili ko at kila mama. Kaya alam kong d ko pa time, kasi wala pa kong mapagmamalaki sayo. Na mmiss ko pag pinapagalitan mo ko. Kapag pinapalo mo ko. Kapag madilim na at naglalaro pa rin ako sa kalye. Alam ko ang damot damot ko, dahil hindi pa rin kita kayang pakawalan.. Binigla mo kasi ako. Ni hindi ka man lang nilagnat.. Ang bilis bilis ng pangyayari. Hindi ka nag payakap sakin one last time. I love you mommy. And i miss you..

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on