The life and loves of Paulo Avelino

BY
Rejj Sibayan

FRESH SCOOPS

05/14/2015 05:58 PM
The life and loves of Paulo Avelino
051415-main_pins.jpg

Isa na si Paulo Avelino sa mga top leading man ng bansa. Dumadami na rin ang kanyang mga tagahanga pati na rin ang mga kababaihang humahanga sa kanya. Pero sino-sino nga ba ang mga kababaihang nakalapit sa puso ng mailap at tahimik na si Paulo? Inilista ng PUSH and ilan sa kanyang past relationships pati na rin and mga babaeng nalink at nali-link sa kanya.

Jewel Mische

051415-paulo_pins.jpg
Photo credit: http://fanpix.famousfix.com/

Parehong StarStruck discoveries ang dalawa kaya naging close at nagkaroon ng relasyon. 

Naging busy na si Jewel sa kanyang naging show noon na Kamandag na kasama si Richard Gutierrez. 
Nabanggit ni Paulo na nagkaroon sila ng communication gap ni Jewel kaya naputol ang kanilang pagiging close. Kung noon daw sa StarStruck ay inseparable sila, ngayon ay halos wala na silang komunikasyon. Sa isang interview kay Paulo ay nasabi niyang, "Matagal na rin kaming walang communication. Matagal na rin yung last time na nag-text kami sa isa't isa. But I feel naman na nandoon pa rin ang friendship namin. Gusto ko lang iparating kay Jewel na masaya ako parati for her."

LJ Reyes

051415-paulo1_pins.jpg
Photo credit: http://fanpix.famousfix.com/

Si LJ ang ina ng anak ni Paulo na si Ethan Akio or Aki. Nagwawakas ang kanilang apat-na-taong relasyon sa hindi nabanggit na dahilan ngunit sila ay nag-uusap pa rin para sa kapakanan ng kanilang anak. Si LJ ay contract star din ng GMA 7 at parte ng batch 2 ng StarStruck. 

Sa panayam naman kay Paulo tungkol sa napapabalitang pakikipagdate ni LJ ngayon sa actor na si JC De Vera sinabi niya na, “Alam mo, parang ang akin, it’s all about happiness. Kung saan masaya si LJ or kahit si JC, kahit sino pa ang piliin nila, na basta maging masaya sila.”

KC Concepcion

051415-paulo2_pins.jpg

Sinabi ni Paulo na kilala niya si KC for a couple of years na. Ang first project niya noong lumipat sa ABS-CBN ay ang kanilang Maalaala Mo Kaya episode ni KC. Inamin din nila sa guesting nila sa Gandang Gabi Vice na hindi sila talagang mag jowa at walang pressure sa isa’t isa. Nabanggit ni KC na Paulo was always there noong mga panahon na kailangan niya ito.
Pero sa interview ni Paulo para sa promotions ng Bridges of Love sa The Buzz, inamin din nito na naging sila ni KC. Hindi pa din alam ang rason kung bakit nag-break ang dalawa. 

Jasmine Curtis

051415-paulo3_pins.jpg
Photo credit: adobotalk.ph

Napapabalita umano ang namumuong relasyon nila Paulo at Jasmine dahil sa mga kumakalat na larawan nila sa social media. Ngunit itinanggi ito ni Jasmine sa isang interview, “Of course not! Just like what he said in a recent interview, we’re just friends. There’s nothing special going on between us, period!” Itinanggi rin niyang merong panliligaw na naganap.

 
Maja Salvador

happy birthday partner. ??

A photo posted by ?? MAJA ?? (@iammajasalvador) on


Magkasama ngayon sina Paulo at Maja sa primetime teleserye Bridges of Love, at di umano’y nagiging close ang dalawa at lumalalim ang kanilang pagiging magkaibigan. Single silang dalawa ngayon at maari kayang magkaroon ng development ang kanilang pagsasama? 

Sa latest interview kay Maja sa TV Patrol, sinabi nito na kalma lang sana ang mga taga hanga nila.
 
“Huwag sana pangunahan. Hindi porket single kami pareho, parehas na madedevelop or kung ano man. Tignan natin. Sa ngayon, kumalma tayo,” sabi ni Maja.