• Home
  • Fresh Scoops
  • Pauleen Luna says she and Vic Sotto have learned how to work out their differences.

Pauleen Luna shares how she handles lovers’ quarrels

Pauleen Luna says she and Vic Sotto have learned how to work out their differences.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/13/2015 11:05 AM
Pauleen Luna shares how she handles lovers’ quarrels
051315-pauleen_main.jpgSa halos tatlong taon at kalahating relasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto kaswal na lang kung sagutin ng aktres kung ano ang magiging plano niya after the wedding

“Gusto kong magkaroon ng maraming anak. Mahilig kasi talaga ako sa bata, kaya lang, siyempre, dapat kasal muna bago anak, ‘di ba?” kuwento niya sa Push.com.ph.

Malamang din daw na mag-lie low muna siya sa showbiz kapag ikinasal na sila ni Vic.

“Well, definitely ayaw niya akong mag-show o gumawa ng soap opera. Kasi ngayon pa lang, ayaw na niya. Nakakarinig na ako ng ‘hindi ka ba puwedeng mag-resign diyan.’ Kasi inaabot talaga ako ng madaling araw sa taping.

“Ang point niya lang naman is parang hindi ko naman daw kailangan [magtrabaho], pero siyempre kailangan ko. Siya hindi niya kailangan, tapos na siya dito, eh, ako kailangan ko,” natatawa niyang kuwento.

“He respects that naman. Buti nga, meron na akong cut-off ngayon sa taping after 15 years. May cut-off na ako, thank you Lord,” sabi pa ulit ni Pauleen na nakangiti.

Naikuwento rin ni Pauleen na nag-bleeding siya sa pinakahuling teleseyeng ginawa niya sa GMA7 dahil sa pagod.

 “Nasira yung sistema ko, nag-bleed ako!” pag-amin pa niya. “Nag-rest ako ng one month, kasi natatapos ako ng 9 am. Tapos diretso ako ng Bulaga. Nagkaroon talaga ako ng hormonal imbalance. Ngayong inaabot pa rin ng alas-tres, pero at least, hindi na pinuputukan ng araw,” banggit pa niya.

Plano rin ni Pauleen ang magpa-breastfeed kapag nanganak siya.

“Ako naman, feeling ko pag nagkaanak ako, it will be pure joy to just stay at home and just take care of our baby. Sabi ko nga ‘di ba, sobrang hilig ko talaga sa baby.

“’Yung pag-stop sa showbiz, hindi naman siguro completely. Puwede pa rin sigurong mag-Bulaga pag weekend... Ewan ko, let’s cross the bridge when we get there. Ha-ha-ha,” kaswal niyang pahayag.

Nagkakaroon pa ba sila ng lovers quarrel o LQ ni Bossing?

“Ngayon wala na,” sagot agad niya. “ Noon siguro, yung mga first two years, oo. Pero ngayon wala na... parang kilala na namin ang isa’t isa,” susog pa niya.

“Pag alam mong maiinis siya sa ‘yo, sa gagawin mong ‘yon, ‘wag mo nang gagawin, ‘di ba? Kilala n’yo na ang isa’t isa, eh. Alam na rin naming amuin ang isa’t isa... So ‘yon," paliwanag pa ng aktres.