• Home
  • Fresh Scoops
  • : James Reid decides to celebrate his birthday in a simple and quiet way, contrary to what people expect.

James Reid wants a simple birthday with family and loved ones

: James Reid decides to celebrate his birthday in a simple and quiet way, contrary to what people expect.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/13/2015 11:48 PM
James Reid wants a simple birthday with family and loved ones
051315-james_main.jpgTwenty-two years old na si James Reid last May 11 at isang simpleng birthday party kasama ang ilang members ng showbiz press ang ibinigay sa kanya ng Jollibee na isa sa brand na kanyang ini-endorse.

Kasama rin sa event na ito ang screen tandem ni James na si Nadine Lustre na game na game sumagot at nakipag-bonding time sa media.

Aminado si James na mas pipiliin niya ang tahimik na birthday party na nakakagulat dahil iilan lang ang personalities na gaya niya ang mas gusto ng quiet celebration.

"Hindi ako mahilig sa gifts, hindi ako mahilig sa surprises. Ganun din ang dad ko kapag nag-cecelebrate ng birthday niya. Kasi masaya na ako so ang wish ko is to share all my blessings to my family, my parents."

Kilala na ni Nadine ang kanyang screen partner na si James na nakasama na niya sa tatlong mga pelikula at TV projects kaya’t kakaiba rin ang kanyang ginawa para dito bilang regalo.

"Mas gusto ni James ang moments kaya last weekend after ng mall show namin sa Marquee Mall sa Pampanga, nag-Skyranch kami. Nag-surprise party kami doon may cakes at balloons."

Mainit din na usapan ngayon ang unang pagsasama nina Nadine at Kathryn Bernardo sa isang portion sa ASAP 20. Nai-share ni Nadine ang kanyang experience that time.

"Noong Sunday po when we were blocking, nag-request po ako na kung puwede introduce ako kay Kath para po mawala na ang awkwardness. kasi po wala naman talagang problema sa amin, walang negative with each other. Talagang napapangunahan lang po talaga."

Si James naman, ilang beses ng nakasama si Daniel Padilla at lagi niya daw ito gini-greet at maayos naman ang kanilang samahan.