• Home
  • Fresh Scoops
  • Asia’s Got Talent finalist Junior New System say they want to have their own homes if they win.

Asia’s Got Talent Pinoy finalists worry Philippine votes will be divided

Asia’s Got Talent finalist Junior New System say they want to have their own homes if they win.

Asia’s Got Talent Pinoy finalists worry Philippine votes will be divided-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/13/2015 09:04 AM
Asia’s Got Talent Pinoy finalists worry Philippine votes will be divided
051315-agt2_main.jpgSa TV Patrol, ininterview ni Marie Lozano ang apat na Pinoy finalists para sa Asia’s Got Talent na sina 10 year-old Pangasinense Gwyneth Dorado, shadow play group El Gamma Penumbra, teen dance group Junior New System, at opera singer Gerphil Flores.

Ayon kay Gwyneth Dorado, kinakabahan siya. Pero kahit hindi raw siya ang manalo basta sana ay isang Filipino. “Kahit hindi ako (ang manalo), pwede po yung bansa po natin, yung mga Pinoy po.” Ganito rin ang gusto ng iba pang finalists na nagsabing, “Sana ang manalo ay isa man lang sa atin.” 

Aminado rin sila na malaking bagay ang prize money na 100,000 US dollars. Ito rin ang pag-asa ng Junior New System na makaahon sa hirap. Ayon sa isa sa mga members ng Junior New System ay ito na ang pag-asa nila na “matulungan ang mga magulang namin. Saka magpapatayo kami ng sariling bahay para hindi na mangyari ang nangyari sa amin dati.”

Nangako naman ang judge at musician na si David Foster na kikilalanin sa buong mundo si Gerphil Flores.  Reaction ni Gerphil tungkol dito ay, “hindi nagsi-sink in sa akin properly, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.”

Masaya man dahil apat ang pambato ng Pinoy sa grand finals ng show, nag-aalala rin sila na mahahati sa apat ang boto at suporta ng mga Filipino.