• Home
  • Fresh Scoops
  • Asia’s Got Talent judge David Foster promises that Gerphil Flores will have an international career.

Asia’s Got Talent Pinoy Finalists were once ‘losers’

Asia’s Got Talent judge David Foster promises that Gerphil Flores will have an international career.

Asia’s Got Talent Pinoy Finalists were once ‘losers’-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/13/2015 09:05 AM
Asia’s Got Talent Pinoy Finalists were once ‘losers’
051315-agt1_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, nakaranas na diumano ng pagkatalo ang apat na Pinoy finalists ng Asia’s Got Talent 2015. 

Si Gerphil Flores ay hindi nakaabot sa finals ng Pilipinas Got Talent noong 2010.  Ang shadow play group naman na El Gamma Penumbra ay hindi rin pinalad sa Pilipinas Got Talent 2011.

Ang teen dance group na Junior New System ay biguan sa Finals ng Showtime noong 2010, habang ang batang Pangasinense na si Gwyneth Dorado ay laglag naman sa auditions para sa The Voice of the Philippines.

Dating mga talunan, pero pareho-pareho na nila ngayong nire-represent ang Pilipinas sa Asia’s Got Talent.

Ayon sa balita, inaabangan ang pag-angat ng buhay ng “isang kahig, isang tuka” na Junior News System, na noon ay nagpa-praktis lang ng pagsayaw sa may gilid ng riles ng tren. Mas emosyonal na rin ang mga pinapalabas ng El Gamma Penumbra at si Gerphil naman ay pinagmamalaki pa ring kantahin ang Kundiman.

Ayon kay Gerphil, “Gusto ko sana mai-share sa kabataan ang kultura natin na ‘pag dating sa music, talagang rich.” Pinangakuan rin ng hurado at producer na si David Foster si Gerphil na ibu-ibuild up niya ito para maging isang international singer.