• Home
  • Fresh Scoops
  • The comedian says one of his outfits will be designed by Furne One.

Vice Ganda reveals his upcoming show is most expensive concert to date

The comedian says one of his outfits will be designed by Furne One.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/13/2015 01:13 AM
Vice Ganda reveals his upcoming show is most expensive concert to date
051215-viceganda_main.jpgNaka harnes at umikot ikot sa ere, humataw sa sayaw suot ang sexy outfit, buwis buhay na liftings at special effects--- ilan kang yan sa mga na witness ng audience sa live performance ni Vice Ganda sa isang special mall show ng Belo Medical Group sa kanilang ika-25 na taon. Isa si Vice sa endorsers ng sikat na beauty clinic at kasama rin sa nagbigay ng performance sila Daniel Padilla at Anne Curtis.

Sa ating interview kay Vice sinabi niya na patikim pa lang ang ating napanood para sa kanyang paparating na concert sa Araneta Coliseum na Vice Gandang Ganda Sa Sarili Eh Di Wow na magaganap sa May 22.

Ayon kay Vice itotodo na niya lahat ng production spots sa concert na ito dahil ngayon na daw ang tamang panahon.

"Talagang world class at level up ang mga mapapanood nila dito sa stage pa lang namin bilog at nasa gitna hindi gaya ng nakasanayang concerts na nasa isang gilid lang ang stage. Dito walang dead area ang big dome lahat makakapanood. Lahat ng mga numbers magaganap sa stage o kaya naka lutang sa ere."

Nai share din ni Vice na mahal ang pagbubuo ng concert niyang ito. Over budget na daw sila at ibibigay na niya ang part ng kanyang talent fee para lang maganap ang mga ideas nila sa ikagaganda ng show.

"Sabi ko nga kahit ibigay ko na ang portion ng talent fee ko makuha lang namin ang concept at over all na gusto namin ma achieve. Marami kasi kami gagawin na ngayon lang magaganap sa isang local concert kaya sigurado mage enjoy ang lahat ng manonood."

Sikat na mga fashion designers din ang gagawa ng mga outfits na isusuot ni Vice sa gabing ito gaya ni Rajo Laurel, Paul Cabral at ang Dubai based Pinoy fashion designer na si Furne One na gumagawa rin ng costumes para kay Katy Perry.

Abala na ngayon si Vice sa preparations para sa concert na ito at mailap pa rin sa pagsagot ng mga tanong kung manonood ba ang kanyang inspirasyon. Mas pinili ni Vice na quiet na lang siya sa pag comment sa kanyang love life at ibalato na lang daw ito sa kanya.