• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre says she had a hard time moving on from her first and only relationship.

Nadine Lustre on her 'Hopeless Romantic' kiss with James Reid: ‘Lasang Tuyo!’

Nadine Lustre says she had a hard time moving on from her first and only relationship.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/12/2015 10:06 AM
Nadine Lustre on her 'Hopeless Romantic' kiss with James Reid: ‘Lasang Tuyo!’
051215-nadine_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, kinuwento ni Nadine Lustre kung ano ang naging impression niya sa kissing scene nila ni James Reid na tampok sa upcoming movie nila na Para sa Hopeless Romantic. Ayon kay Nadine, “lasang tuyo” ang dating ng onscreen kiss nila ni James. 

Natatawang ikinuwento ni Nadine na may kagat na tuyo si James sa eksena nila at inihulog nito ang tuyo bago siya hinalikan, kung kaya naging lasang tuyo ang first kiss nila. Wala naman espesyal na paghahanda ang kissing scene ni Nadine at James. Sabi ni Nadine, “basta go for it na lang!”

Ginampanan ni Nadine ang character ni Becca, isang babae na hindi maka-move on mula sa heartbreak. Pag-amin ni Nadine, para rin siyang si Becca na nahirapan maka-move on mula sa kanyang first serious relationship. Dagdag pa ni Nadine, isa pa lang ang naging boyfriend niya.

Sumailim sila Nadine at James sa isang workshop para maalis ang awkwardness nila sa isa’t isa. Naging viral ang picture ng kiss nila na kuha sa workshop.

Tinanong si Nadine ng host na si Boy Abunda kung wala talagang namamagitan sa kanila ni James, pero giit pa rin ni Nadine hanggang ngayon ay, “wala talaga. We’re just really close friends.” Nagpaparamdam kaya sa kanya si James? Sagot ni Nadine, “Wala talaga. Hindi nagpaparamdam.” Sa ngayon daw ay gusto nilang mag-focus sila sa karera nila. Sinabi rin ni Nadine na ayaw niyang magka-girlfriend si James dahil ayaw niyang may mang-away sa kanya. 

Nagkuwento rin si Nadine tungkol sa unang meeting nila ni Teen Queen Kathryn Bernardo noong May 10 sa ASAP 20. Ayon kay Nadine, pinakilala sila sa isa’t isa ni Bang Pineda. Agad naman daw sinabi ni Nadine kay Kathryn na, “hi, I’m Nadine. Finally, it’s nice to meet you.” Si Kathryn naman ay agad rin sumagot ng, “finally!”

Magkasama si Nadine at Kathryn sa opening production ng ASAP 20 at dagdag pa ni Nadine, “we had spiels together.” Pinuri rin ni Nadine ang teaser ng upcoming serye ni Kathryn, ang remake ng hit Kapamilya teleserye, “Pangako Sa ’yo.”