• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid and Nadine Lustre want to keep their relationship on the friendship and professional level

James Reid and Nadine Lustre both agree not to fall in love with each other

James Reid and Nadine Lustre want to keep their relationship on the friendship and professional level

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/13/2015 01:09 AM
James Reid and Nadine Lustre both agree not to fall in love with each other
051215-jadine_main.jpgTanggap ng fans ng tambalang James Reid at Nadine Lustre na hanggang magkaibigan lang ang kanilang iniidolo. Ito rin ang gustong mangyari ng dalawa para hindi magkaroon ng problema ang kanilang love team na muling mapapanood sa pelikulang Para Sa Hopeless Romantic na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Pareho mang nakakaramdam ng pressure, masaya naman sila sa success na ini-enjoy ng kanilang loveteam.

“Ang nakaka-pressure po is yung expectations ng mga tao sa amin. Pero ako po, ini-enjoy ko lang kahit nandiyan yung pressure. Kasi kapag pinansin n’yo po yan, mas lalo kang kakabahan, eh. Mas lalo ka pong mahihirapan, eh. Actually, ‘yon po ang tinuro sa akin ni Direk (Andoy Ranay), kailngang mag-relax ka at huwag kang kakabayan,” pahayag ni Nadine nang makausap ng Push.com.ph.
 
Ayon naman kay James, “Mas pressured ako kasi ito yung third movie namin as lead. For me that’s more na nakaka-pressure. And the expectations are also nakaka-pressure.”
 
Aminado ang dalawa na napakalaki ng pinagbago ng buhay nila mula nu’ng kumita sa takilya ang dalawang pelikula nila, Ang Diary ng Panget at Talk Back And You’re Dead.
 
Diary ng Panget, wow, it changed everything. Do’n ko na-realize na sa acting, I can see the career in it. So for me, that was the starting point of my career,” kuwento ni James.
 
May reaksyon din tungkol dito si Nadie. “Halos lahat po sa buhay ko ay nagbago after Diary… Ngayon, sobrang busy po, I don’t know, feel ko lang po sobrang blessed po ako. Kasi hindi po namin talaga ini-expect,” kuwento niya.

“So, even po kami, parang shocked pa rin kami until now. Na parang ang bilis ng lahat ng pangyayari… Sobrang dami pong nagbago talaga at sobrang thankful din ako pagdating sa mga changes na ‘yon,” dagdag pa ni Nadine.
 
Pinaninindigan din ng dalawa na hanggang friends lang talaga sila at ‘yon lang ang kaya nilang i-offer sa kanilang supporters.
 
“Kami po kasi ni James, meron po kaming…yung parang takip sa mata ng kabayo, ang nakikita lang namin is yung goal namin. Alam po namin ni James yung pakiramdam na nandito ka na tapos biglang babagsak. Ayaw po namin na ma-miss out ‘yon, ayaw namin na magkaroon kami ng mistakes na puwedeng maging dahilan para mawala itong meron kami ngayon,” paliwanag ni Nadine.

Sa palagay ba niya ay sagabal ang pagkakaroon nila ni James ng relasyon if ever?

“Di naman po siya sagabal. It’s just that mahirap kasi kung maging kami po tapos magkaroon ng problema. Yung tipong meron po kaming work, may eksena po kami na kailangang sweet. As a love team, siyempre, kailangan kaming sweet para magpakilig, eh, magkaaway po kami… ‘yung mga ganu’ng factor. So parang ang hirap din. Ayaw po naming mawala talaga yung friendship namin,” she explained.
 
Ganito rin ang naging paliwanag ni James. “Sinabi ko po before na as long as we’re working together, ayokong magkaroon kami ng relasyon or something kasi it will be just complicate things. Kasi I’ve seen it and it happened before na rin to me.
 
“Dati, nagkaroon ako ng girlfriend pero nasira yung career ko. Mas focus ako noon sa girlfriend ko kesa sa career ko. So right now, my focused is on my career,” pag-amin pa ng binata.
 
Kasama rin nga pala sa Para Sa Hopeless Romantic sina Inigo Pascual at Julia Barretto. Produced ito ng Viva Films and Star Cinema at palabas na simula May 13.

Photo credit to Adrian Gonzales