Bangs Garcia leaves Star Magic: ‘I just want something new’

Bangs Garcia says she wants to try a singing career.

Bangs Garcia leaves Star Magic: ‘I just want something new’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/12/2015 07:27 PM
Bangs Garcia leaves Star Magic: ‘I just want something new’
051215-bangs_main.jpgWala na sa pangangalaga ng Star Magic si Bangs Garcia. Sa interbyu ng Push.com.ph sa kanya sa storycon ng bago niyang pelikula titled Tupang Ligaw na pagbibidahan din ni Matteo Guidicelli ay naikuwento niya na pumirma na siya ng three-year contract sa Viva Artists Agency (VAA) na Vic del Rosario.

“Maayos yung naging pagpapaalam ko sa Star Magic. Ako kasi, I don’t burn bridges kasi sa totoo lang, malaki rin naman talaga ang nagawa sa akin ng Star Magic kung bakit ako naging Bangs Garcia ngayon,” simula niyang pahayag.

Nagsimula ang showbiz career ni Bangs taong 2005 nang sumali siya sa Close To Fame contest ng ABS-CBN. Taong 2006 nang kunin siyang artista ni Direk Bobot Mortiz, at 2008 naman nang i-launch siya sa Palos at naging Star Magic contract star.

Masaya ba siya sa halos pitong taon niya sa Star Magic?

“I was satisfied naman,” buntong hininga niya. “I was satisfied, pero siyempre, kahit sinong artista ang tatanungin n’yo, sasabihing we always want something more...

“I just want something new. New environment, new everything. Hindi naman ako aalis sa ABS-CBN, wala naman akong balak umalis sa ABS-CBN. I’d still be a Kapamilya. May mga nagtatanong kasi kung lilipat daw ako, hindi naman po,” she said.

Isa pa raw sa dahilan kung bakit siya lumipat sa Viva ay dahil gusto niyang i-explore ang pagiging singer.

“Sa Viva, may gagawin akong album at magsu-shoot ako ng music video.  Honestly, sa pag-sign ko po sa Viva, hindi po kami magpo-focus sa pagiging sexy. I think I’ve proven myself in that genre for a long time already, eh. Kumbaga, quota na ako diyan lalo na do’n sa Laureana,” nakangiti niyang pahayag.


Ipinagpapasalamat naman ni Bangs na dahil sa Laureana ay nakatanggap siya ng kanyang kauna-unahang best actress award mula sa Gawad Pasado.

“Because of Laurena, napansin nila ang acting ko. Nagkaroon ako ng unang best actress trophy. Naging seryosong aktres yung tingin nila sa akin. Pero sabi ko nga, after kong gawin ‘yon, parang stop na muna ako. Last ko na ‘yon,” sey pa niya.

Malaki rin daw ang naitulong sa kanya ng acting award. “Kasi ang sarap sa feeling ng may award. Parang naba-validate yung pagtatrabaho mo... Tapos mas parang lalo kang namo-motivate na galingan pa at pagbutihin pa lalo.  Nasa bucket list ko rin na madagdagan pa yung acting award ko. So, sana madagdagan,” pag-asam pa niya.

Matagal na ring gustong subukan ni Bangs ang pagkanta kaya lang hindi raw siya nabigyan ng chance sa Star Magic.
 
“Wala naman silang offer. But then, never din kasi ako nag-ask sa Star Magic na dapat ganito, dapat ganyan... Kapag binibigyan ako ng production number sa ASAP, it’s always dancing. Eh, nagkataon naman na nag-offer sa akin ang Viva ng album so grinab ko na talaga,” katwiran ng aktres.

Ang Tupang Ligaw ay sa direksyon ng komiks novelist na si Rod Santiago. Produced ito ng BG Productions na pag-aari ni Baby Go.