Andrea Brillantes, namula nang amining crush si JK Labajo!

BY
Darla Sauler

FRESH SCOOPS

05/12/2015 05:45 PM
Andrea Brillantes, namula nang amining crush si JK Labajo!
051215-darla_main.jpg

Ang cute talaga ng mga bagets ngayon … kinikilig na rin sila sa kani-kanilang crush. Well, sino bang hindi? Lahat naman tayo dumaan sa puppy love hehehe.

Katulad na lang ng child star na si Andrea Brillantes, na nabisto ni Bimby Aquino-Yap na may crush pala sa The Voice Kids finalist na si JK Labajo. Sa episode bukas ng Kris TV, walang pag-aalinlangang nag-yes si Andrea na crush niya nga ang isa sa favorite bagets singers ni Kris Aquino.

Kung matatandaan, sa mga unang appearances naman ni JK ay nabanggit din nitong crush niya si Andrea na nakasama naman niya sa seryeng Hawak Kamay.

Bukod kay Andrea, makiki-ice cream bonding din bukas si Kim Chiu kina Kris and Bimby. Nakakatuwa ang mga on the spot na tanong ni Bimb kay Kimmy tungkol kay Xian. Kaya wag niyong palampasin ang masayang kwentuhan bukas sa Kris And Bimby Summer TV… at i-lista na ang mga must-try ice cream versions na mabibili niyo within Metro Manila.